NAKAUWI na si Lea sa mansyon. Nasalubong niya si Leina papunta sa kusina.“Nagugutom ka ba, Leina?” Tanong niya.“Medyp po, Ma. Pero ako na po ang kukuha sa kusina…” sagot ni Leina sa ina.Umiling si Lea. “No, anak. Ako na lang ang kukuha ng pagkain mo.”Napangiti si Leina."Thank you, Ma," malambing na sabi ni Leina.Marahang hinaplos ni Lea ang buhok ng anak bago nagtungo sa kusina.Tahimik siyang naglakad. Hindi mawala sa isip niya ang naging pag-uusap nila ni Emil. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang bawat salitang binitiwan nito.Wala na rin akong pagmamahal para sa'yo.Napapikit siya sandali. Masaki, napakasakit pakinggan. Pero alam niyang wala siyang karapatang magreklamo. Siya ang gumawa ng mga desisyong naglayo sa kanila.Pagpasok niya sa kusina, agad niyang inutusan ang kasambahay."Painitin ninyo ang sabaw. Ihanda rin ang prutas at gatas para kay Leina.""Opo, Ma'am."Siya mismo ang nag-ayos ng tray. Inilagay niya ang mainit na sabaw, kanin, paboritong ulam ni Leina,
Read more