TUMAYO si Emil, pinagmasdan ang asawang natutulog. Nilapitan niya ito at yumuko para halikan sa noo si Leina.“I’ll be back, hon. Pupunta lang ako sa library, sandali. Babalik ako agad kapag natapos ako,” mahina niyang paalam na para bang naririnig siya ni Leina.Tumalikod na siya at naglakad palapit sa pinto. Dahan-dahan pa niyang naisasara ang pinto para hindi makaistorbo kay Leina.Naglalakad siya sa hallway nang may marinig siyang nagsasalita sa isang kuwarto.“Gawin mo ang ipinapagawa ko sayo. Gusto ko na maging malinis ang lahat. Walang makakahalata, wala silang magiging hinala na ako ang may pakana,” sabi ni Lea.Hindi niya alam na may nakikinig mula sa labas. Nakalimutan niyang isarado ang pinto bago may kinausap sa phone niya.“Anong pina-plano mo, Lea?”Natigilan si Lea. Naibaba niya ang kanyang phone at hindi muna nagsalita.Natigilan si Lea. Naibaba niya ang kanyang phone at hindi muna nagsalita.Dahan-dahan siyang humarap kay Emil. Bahagya siyang napangiti na tila walang
Read more