NALAMAN na ni Leina ang sekreto ng Mama niya at ng kanyang asawa. Hindi niya rin masisi ito kung bakit ganoon na lang nararamdaman ng Mama niya. Kung bakit ito nasasaktan nang ganoon. Si Emil pala talaga ang sinakripisyo nito na lalaking mahal niya. “Sorry po, Ma, kung namagitan ako sa inyo ni Emil,” sabi ni Leina. Iyong mukha ni Lea, unti-unti iyong nagbago. Kung kanina ay parang mabait ang mukha nito, ngayon ay parang bigla na lamang nag-iba ang awra. “Sorry? Hindi mo alam, Leina, ang lahat ng pinagdaanan ko. Gustong-gusto kong muling bumalik sa akin si Emil pero hindi ko alam bakit sa iyon siya napunta.” Napayuko si Leina. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa ina. Ngayon niya lamang lubusang naintindihan kung gaano kalalim ang sugat na iniwan ni Emil sa ina. Pero wala siyang kasalanan sa lahat ng iyon. Hindi niya kasalanan kung minahal siya ng asawa niya at minahal din niya si Emil. “Ma, hindi ko naman po ginusto na mangyari ito.” “Pero nangyari na, Leina.” Napatin
Read more