“ANONG sinasabi mong wala si Dave sa opisina at nasa out of town?” ang galit na tanong ni Olivia kay Yvette tanghali nang araw na iyon.Tumango siya. “Tama ang narinig mo, Tita Olivia. Ang sabi ng sekretarya ni Dave ay umalis daw ito at nag-out of town kasama ang girlfriend nito. One week raw itong mawawala,” pagsasabi niya sa mababang tono.This time ay hindi naman pinepeke ni Yvette ang sakit na nararamdaman niya. Dahil ang totoo, when it comes to the young man at ang babaeng iyon na pinakikilala nito sa madla na nobyo nito, talagang nasasaktan siya.“Hindi ko maintindihan kung anong wala sa akin ang nakita niya sa babaeng iyon kaya ganito ang ginagawa niyang pagtrato sa akin,” ani Yvette na pinagsikapan ang tuluyang pagkawala ng kanyang mga luha at nagtagumpay naman siya doon.“Huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan para mawala ang babaeng iyan sa buhay ng anak ko. I met her, at tama ka, maliban sa pagiging
Last Updated : 2025-12-30 Read more