“SINABI niya sa akin na gusto niya akong tulungan, hindi na ako tumanggi kasi kung anuman ang magagawa niya alam kong malaki rin ang maitutulong niyon sa relasyon ninyong dalawa,” si Jude sa kabilang linya.Hindi napigilan ni Jade ang mapangiti dahil sa sinabing iyon ng kapatid niya. Wala pa naman talaga itong alam sa lahat ng nangyari pero sa tingin niya ay kailangan na niyang sabihin dito ang totoo.“Siguro kailangan ko nang sabihin sa iyo ang totoo, Jude,” aniya rito.Ilang sandaling tumahimik ang kabilang linya bago niya narinig na nagsalita at sumagot ang kapatid niya.“A-Anong kailangan kong malaman?” tanong nito sa kanya.Huminga ng malalim si Jade saka nagbuka ng bibig para magsalita. “Mas maganda kung mamaya natin pag-usapan ang tungkol doon. Para mas maipaliwanag ko sa iyo,” sagot niya.“Ah, sige kung iyon ang gusto mo,” sang-ayon ni Jude sa kanya.“Salamat, k
Last Updated : 2026-01-05 Read more