REVEKAH Kung may isang bagay na hindi ko pa rin matanggap kahit ilang taon na akong nasa industriya… iyon ay ang call time na parang walang awa. Bakit ba laging maaga? Hindi ba puwedeng 5 PM ang fashion show tapos 4:59 PM lang ako dadating? Hindi naman sila mababawasan ng buhay. Pero hindi. Dahil ang buhay ko ay umiikot sa salitang discipline. At kahit sobrang tamad ko ngayong bumangon, kailangan ko. Nakatitig ako sa sarili ko sa salamin ng glam room. Malamig ang ilaw, perfect para sa makeup. Ang kuwarto—malinis, maayos, amoy bagong plancha, bagong linis, bagong problema. Lahat ng staff ko abala: may nag-aayos ng gamit ko, may nagtatahi ng last-minute alteration sa gown ko, may nagche-check ng listahan sa tablet. Lahat sila nanghihina, pero ako? Nakaupo, nakadapa ang buhay, pero nakaayos ang kilay. “Ma’am Revekah, start na po tayo,” sabi ni Therese, head makeup artist ko. Tumango ako. “Kung hindi pa kayo ready, tapos na sana ’tong show.” She laughed nervously. “Ready na po. You c
Last Updated : 2025-11-22 Read more