REVEKAH Matapos ang ilang araw, unti-unti na talagang gumaan ang pakiramdam ko. Hindi naman sa biglang nag-align ang mga planeta o may milagro—hindi gano’n. Simple lang. May personal assistant na ako. Finally. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil kailangan ko. At ayoko mang aminin nang malakas… nakatulong. Lucien. Mr. Calm-in-the-middle-of-a-storm. Sa simula, akala ko magiging parang extra baggage siya. Y’know, yung tipong mas dadagdag sa stress ko kaysa magpabawas. Pero habang lumilipas ang araw, napapaisip ako kung mas pinapahirap niya ang buhay ko… o mas pinapadali niya. And honestly? Nakakainis isipin na baka yung pangalawa ang mas totoo. Busy ang buong bahay. As in chaos. Pero organized chaos—yung tipo kong gusto. Lahat ng kasama ko, parang bees na paikot-ikot, hawak maleta, racks of clothes, shoe boxes, accessories, documents, passports—lahat ng kailangan para sa Paris trip namin. May labels, may lists, may checklists ng checklists. Malinis. Sistemado. Exactly how I want it.
Last Updated : 2025-11-21 Read more