LOGINVALERIE Pagkapasok ko pa lang sa condo, ramdam ko na agad ang bigat ng gabi. Hindi dahil sa pagod ako—no. Dahil sa pangit ng vibes ko. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko during the show. Hindi ko gusto ang katahimikang sumalubong sa akin habang hinuhubad ko ang stilettos ko at inihahagis iyon sa carpet. I wanted silence, yes… pero hindi yung ganitong klase ng silence. It’s the kind of silence na parang tumatawa sa akin. Na parang nang-aasar. Na parang sinasabi, “Guess what, Valerie? Hindi ikaw ang bida ngayong gabi.” At lalong sumama ang pakiramdam ko nang magsimulang magvibrate ang phone ko. Sunod-sunod. Para akong binomba ng libu-libong notifications. Sobrang ingay ng mga tunog, pero mas maingay yung mabilis na pagtibok ng puso ko sa kaba. Kaba? Or anger? Maybe both. “Ugh, what now…” hindi pa man ako nakaupo nang maayos, binuksan ko agad ang screen. The moment the display lit up, para akong sinampal. TRENDING WORLDWIDE: REVEKAH’S ‘BROKEN MONOCHROME LOOK’ THE ICONIC TORN DRESS
REVEKAH Hindi ko alam kung bakit kahit ilang taon na akong nagfa-fashion show, hindi pa rin nawawala ‘yung kaba sa dibdib ko tuwing nasa backstage na ako. Maybe because every show is a gamble. Kahit gano’n ako kasikat, kahit gano’n kalaki ang pangalan ko, kahit pa ilang beses na akong naglakad para sa pinakamalalaking brands sa buong mundo… a single mistake can ruin everything. Pero ngayon, iba ang bigat sa sikmura ko. Paris. Monochrome theme. A runway full of people na literal kayang sirain ang isang career with one headline. Pero teka, bakit parang mas nangingibabaw ang inis ko sa isang taong hindi ko naman dapat iniisip? Oo, si Lucien. Kalmadong-kalmado sa gilid, umiinom ng kape niya like this whole event is a damn picnic. Sino ba kasi nagpatikim ng kape ko sa gago na ‘to?! Naiinis talaga ako kahit hindi ko alam kung bakit. “Revekah, five minutes!” tawag ng isa sa mga coordinators habang nakahawak sa headset. Pawis na pawis na siya, parang malalagutan ng ugat anytime. A
REVEKAH Kung may isang bagay na hindi ko pa rin matanggap kahit ilang taon na akong nasa industriya… iyon ay ang call time na parang walang awa. Bakit ba laging maaga? Hindi ba puwedeng 5 PM ang fashion show tapos 4:59 PM lang ako dadating? Hindi naman sila mababawasan ng buhay. Pero hindi. Dahil ang buhay ko ay umiikot sa salitang discipline. At kahit sobrang tamad ko ngayong bumangon, kailangan ko. Nakatitig ako sa sarili ko sa salamin ng glam room. Malamig ang ilaw, perfect para sa makeup. Ang kuwarto—malinis, maayos, amoy bagong plancha, bagong linis, bagong problema. Lahat ng staff ko abala: may nag-aayos ng gamit ko, may nagtatahi ng last-minute alteration sa gown ko, may nagche-check ng listahan sa tablet. Lahat sila nanghihina, pero ako? Nakaupo, nakadapa ang buhay, pero nakaayos ang kilay. “Ma’am Revekah, start na po tayo,” sabi ni Therese, head makeup artist ko. Tumango ako. “Kung hindi pa kayo ready, tapos na sana ’tong show.” She laughed nervously. “Ready na po. You c
REVEKAH Lumipad kami papuntang Paris, at ramdam ko agad ang halo ng excitement at inis na hindi ko kayang itago. Hindi dahil sa flight—hindi ako natatakot lumipad. Hindi rin dahil sa turbulence. Ang dahilan? Siya. Si Lucien Darwin. Personal assistant ko… o kung paano ko siya ayaw tawaging ganun. Halos lahat ng galaw niya, nakakainis. Halos gusto ko nang itulak siya palabas ng upuan, pero may aura siya na hindi mo mapapawi. Calm. Kontrolado. At nakakasira ng ulo ng kahit sinong may ego. Nakaupo siya sa tabi ng bintana, hawak ang baso ng tubig, nakatingin sa labas. Straight ang posture, walang sagot sa mundo. Parang statue. Parang… magnet. Ang lapit niya, ang halo ng sarcasm at calmness… hindi ko maalis sa utak ko. “Sigurado ka bang gusto mo ng window seat?” tanong ko, halatang may halo ng biro at concern. Tumingin siya sa akin, mata malamig, walang emotion. “Bakit? Sumasabay ka ba o baka mahulog sa aisle kapag nagulat ka sa turbulence?” “Ha! Excuse me?” Halos tumayo ako sa upuan, i
REVEKAH Matapos ang ilang araw, unti-unti na talagang gumaan ang pakiramdam ko. Hindi naman sa biglang nag-align ang mga planeta o may milagro—hindi gano’n. Simple lang. May personal assistant na ako. Finally. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil kailangan ko. At ayoko mang aminin nang malakas… nakatulong. Lucien. Mr. Calm-in-the-middle-of-a-storm. Sa simula, akala ko magiging parang extra baggage siya. Y’know, yung tipong mas dadagdag sa stress ko kaysa magpabawas. Pero habang lumilipas ang araw, napapaisip ako kung mas pinapahirap niya ang buhay ko… o mas pinapadali niya. And honestly? Nakakainis isipin na baka yung pangalawa ang mas totoo. Busy ang buong bahay. As in chaos. Pero organized chaos—yung tipo kong gusto. Lahat ng kasama ko, parang bees na paikot-ikot, hawak maleta, racks of clothes, shoe boxes, accessories, documents, passports—lahat ng kailangan para sa Paris trip namin. May labels, may lists, may checklists ng checklists. Malinis. Sistemado. Exactly how I want it.
LUCIEN Hindi ko mapigilan ang sarili kong panoorin at pagmasdan kung gaano kalaki ang lupain niya. Tangina, kung ihahambing ko ito sa lugar, parang isang maliit na probinsya na ‘to! Parang wala ng problema itong babaeng ‘to, problema na lang niya siguro ‘yung papatay sa kaniya. Habang nagmamanman ako sa paligid dito sa garden niya, naagaw ng atensyon ko ang isang closed truck na dumaan sa harapan ko. Ano ‘to, delivery? Mas lalo pang kumusot ang mukha ko nang may limang lalaki ang bumaba mula sa truck. Napahakbang ako paatras nang lumapit sila sa akin. “Sir, delivery para iyo ni Madam Revekah.” Nilipat ko ang tingin ko sa truck sandali. “Bakit ganiyan ang suot ninyo?” Sino kayang delivery boy ang nakasuot ng sage green na vest na may terno ng trousers tapos long sleeve pa na cream polo?! Dinaig pa ako, naka-old money style sila. Napakamot sa batok ang isa sa kanila. “Ganito po talaga ang uniform namin dito, sir. Si Madam Revekah po ang nagturo sa amin.” Hinahawaan ni Revekah ng







