Ariana's pov Nagising ako sa kakaibang sakit—hindi na ito katulad ng mga nauna kong naramdaman.Hindi na ito basta kirot lang,Isa itong malinaw na tawag-oras na. Tahimik ang buong bahay, ngunit ang katawan ko’y tila may sariling ingay. Mabigat ang paghinga ko, nanginginig ang mga kamay ko habang marahan kong hinawakan ang tiyan ko. “Okay… okay lang-inhale,exhale,” bulong ko sa sarili ko, kahit alam kong hindi na ito tungkol sa pagiging okay—kundi sa pagiging handa. Pumasok si Noah,Kita ko agad ang kaba sa mukha niya nang makita niya ako sa ganung ayos.Agad siyang lumapit sa'kin. “Arabelle,masakit na ba?"tanong niya na may halong pag-aalala.Tumango lang ako. Wala na akong lakas magsalita pa. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari—ang biyahe papuntang ospital.Ang malamig na hangin sa pasilyo, ang boses ng mga nurse na paulit-ulit akong kinakausap,maraming tinatanong. Pero ang lahat ng iyon, isang bagay lang ang malinaw sa isip ko: Ito na,lalabas na,kaya ang lahat ay kinakaya
Huling Na-update : 2026-01-22 Magbasa pa