Ariana's pov Ito na ang araw na pinakahihintay naming lahat....ang resulta.Magkatabi kami ni Phyton sa loob ng waiting room ng laboratoryo. Hindi kami nag-uusap. Hindi rin kami magkahawak ng kamay—pero ramdam ko ang presensya niya sa bawat paghinga ko.Naroon sina Noah, Tito Steban, at Daddy Marlon. Si Mommy Cony ay tahimik na umiiyak, hawak ang rosaryo. Para bang lahat kami ay naghihintay ng hatol, hindi resulta.Lumabas ang doktor, hawak ang isang puting envelope.Tumayo kaming lahat.“Good morning,” mahinahon niyang bati. “Nakuha na po ang resulta ng DNA test.”Humigpit ang kapit ko sa palda ko. Ramdam kong gumalaw si Phyton sa tabi ko, bahagyang humakbang palapit sa’kin—parang proteksyon.“Base sa pagsusuri,” patuloy ng doktor, “ang DNA ni Miss Ariana o Arabelle ay…”Huminto siya.At sa paghinto niyang iyon, parang tumigil din ang mundo.“…ay match sa DNA nina Mr. Noah Jonsson at Mr.Steban Jonsson.Parang may pumutok sa loob ng ulo ko.Hindi ko narinig ang sumunod na mga paliwana
Last Updated : 2026-01-11 Read more