Phyton's pov Tahimik ang silid, pero parang may sumisigaw sa loob ng dibdib ko. Naroon kaming tatlo—ako, si Ariana, at si Noah. Nakatayo si Noah malapit sa bintana, nakatalikod sa amin, parehong kamay ay nakapamulsa na parang pinipigilan ang sarili na h'wag sumabog. Si Ariana naman ay nakaupo sa gilid ng kama, nakapatong ang dalawang kamay sa tiyan niya—isang galaw na simple pero sapat para wasakin ang natitirang depensa ko.Ako ang huling nagsalita, at ngayon, ako rin ang hindi malaman kung paano muling magsisimula. “Hindi ko alam kong ano ang dapat kong sabihin,” amin ko sa wakas, mababa ang boses. “Pero alam ko kong ano ang dapat kong gawin.” Tumikhim si Noah, dahan-dahan siyang humarap. “Hindi ito tungkol sa’yo lang, Phyton,” mariin niyang sabi. “Kung madali lang sana ito, matagal na naming ginawa.Pero hindi eh!”dagdag niya. Tumango ako. “Alam ko. At hindi ko rin inaasahang magiging madali.” Tahimik si Ariana,ramdam ko ang bigat ng bawat segundo ng pananahimik niya.Hindi ak
Terakhir Diperbarui : 2026-01-19 Baca selengkapnya