Nagising si Psyche na mag-isa na lang siya sa kama ni Harrison. Ang kama ay malaki at maluwag, pero parang kulang ang espasyo sa kanya nang wala si Harrison.Pagbangon niya, namataan niya ito sa balcony. Nakatalikod si Harrison, nakatingin sa lungsod at sa malayong dagat. Hindi niya mapigilan ang mapatingin at ma-appreciate ang kagwapuhan nito—ang broad shoulders, ang linya ng jaw, at kahit nakatalikod, halatang maayos at maamo ang postura niya. Napangiti si Psyche.Hindi nakaligtas sa mata ni Harrison ang pagmamasid niya. Napalingon siya, at ngumiti—isang ngiti na nagpapakita ng init, ngunit may halong pang-aangkin.“Good morning, my Azalea,” bati niya, hawak ang coffee cup, na parang hindi lang simpleng pagbati, kundi may nakatagong pang-aakit.“Good morning, Harrison,” sagot ni Psyche, bahagyang nahihiya, pero hindi nakaiwas sa kilig.“Gising ka na pala… I thought you’d sleep in,” sabi ni Harrison, habang papalapit sa kanya. “Do you want some coffee? Or maybe… milk?”Tumunog ang ma
Última actualización : 2025-12-25 Leer más