ELLISON MANSION — The Morning AfterKinabukasan, dahan-dahang nagmulat ng mata si Psyche. Mabigat pa rin ang ulo niya, parang may pumipintig sa sentido dulot ng hangover. Umupo muna siya sa kama, inilapat ang kamay sa noo, at ipinikit sandali ang mga mata.Bakit ako nasa mansion…?Bumalik sa alaala niya ang nagdaang gabi — ang bar, ang paghila sa kanya, ang boses ni Harrison… ang biyahe pauwi.Napabuntong-hininga siya at tumayo. Naligo siya, pinilit pawiin ang hilo at pagod. Matapos magbihis, naglakad siya papunta sa balcony upang magpahangin.Pero sa pagbukas pa lang ng pinto……namilog ang kanyang mga mata.Sa malawak na courtyard ng mansion, nakaluhod ang ilang tauhan — mga guwardiya, ilang staff, tahimik at nakayuko. Sa harap nila ay si Harrison — matuwid ang postura, malamig ang mga mata, at may hawak na latigo sa kamay.Parang bumagal ang mundo ni Psyche.Napahawak siya sa dibdib, nanginig ang kanyang mga daliri. Sa eksenang iyon, hindi niya nakita ang “Kuya” na kilala niya — kun
Last Updated : 2025-12-14 Read more