WALTON-ELLISON MANSION, MONACO…Nagising si Psyche na may bahagyang dilim na sa labas. Ang malalaking glass windows ng kwarto niya ay tanaw ang kumikislap na ilaw ng Monte Carlo—mga yacht na parang mga bituin sa dagat, mga sasakyang dumaraan sa serpentine roads sa ibaba, at ang katahimikang tanging sa Monaco mo lang mararamdaman—mayaman, elegante, at mapanganib sa sariling paraan.Paglingon niya, agad niyang nakita si Harrison—mahimbing na natutulog sa couch sa gilid ng kama. Nakabukas pa ang isang butones ng tailored shirt nito, bahagyang gusot ang buhok, at nakataas ang isang braso na parang handang bumangon anumang oras.Ilang beses na niyang nahuhuling ganito si Harrison—natutulog sa couch, nakabantay sa kanya, parang isang bantay na hindi kailanman pinapayagang pumikit nang tuluyan.Napangiti siya, may lambing at kaunting kirot sa dibdib.Grabe ka talaga… kahit tulog ako, ikaw ang gising para sa’kin.Dahan-dahan siyang bumangon, tahimik na tahimik, para bang takot siyang magising
Última atualização : 2026-01-12 Ler mais