"Oo," sagot ni Zoe, habang ninanamnam ang huling kagat ng dumpling. "Gawa 'yan ng isa sa mga pasyente ko." Ngumiti siya nang bahagya. "Masarap, 'di ba?" Tumango ang lalaki, seryoso ang pag-amin. "Masarap." Dito na pumasok ang usapan tungkol kay Madam Rebecca. "Mabait na tao 'yung lola na 'yun, pero grabe siya mag-alala sa apo niya. Kulang na lang magkasakit siya sa sobrang stress," kwento ni Zoe. Bahagyang gumalaw ang kilay ni Nathaniel. "Nagkakasakit sa pag-aalala?" "Oo..." dagdag ni Zoe. "Pangarap kasi ni lola na makahanap na ng partner ang apo niya, kaso masyadong tahimik na tipo raw 'yun. By the way, magka-age lang kayo ng apo niya." Parehong malapit na mag-fourty. Hindi nahalata ni Nathaniel ang takbo ng isip ni Zoe. Pagkatapos kumain, kumuha siya ng tissue para punasan ang kaniyang labi at dahan-dahang nagtanong, "And then?" Hindi akalain ni Zoe na magiging gossipy ang isang Nathaniel, pero dahil nasimulan na, itinuloy na niya. "Nabanggit ni lola noong New Year na
Read more