Nang maitago na ni Beatrice ang kontrata sa kanyang folder, muling nagsalita si Julian. Ang kanyang malamig at negosyanteng tono ay napalitan ng isang pamilyar at malambot na boses."Ate, anong gusto mong inumin?""Kape," maikling sagot ni Beatrice."Sige."Tumayo si Julian, naglakad patungo sa pinto ng kanyang opisina, at binuksan ito nang bahagya. Tumingin siya sa sekretaryang nakaupo sa workstation sa labas. "Carla, ipagtimpla mo ng kape si Ate. Gusto ko ng latte. Less sugar, more milk, at siguraduhin mong tama lang ang temperatura—hindi masyadong mainit."Napaangat ng tingin si Carla. Rumehistro ang matinding gulat sa mga mata nito habang nakatingin sa kanyang boss, bago mabilis na yumuko upang itago ang kanyang reaksyon."O-Opo, Ms. Julian. Masusunod po."Hindi masisisi ni Beatrice kung ganoon na lamang ang naging reaksyon ng sekretarya. Kahit siya mismo ay bahagyang natigilan sa narinig.Paano nalaman ni Julian ang eksaktong timpla ng kape niya? Hindi siya madalas mag-kape sa ha
Last Updated : 2026-08-30 Read more