Para talagang siyang munting bully noon.At si Nathaniel naman, tiklop na tiklop sa kaniya. Noong akala niya ay mapipikon na ito sa pangungulit niya, biglang magpapaawa si Zoe: "Nathaniel, ikaw lang ang meron ako, paano na lang kung mamatay ka dahil dyan?""Sige, dagdagan mo pa 'yung yosi mo. Sasabayan kita sa second-hand smoke para sabay tayong mamatay."Sa ganoong hirit, wala nang nagagawa si Nathaniel kundi ang sumuko at itapon ang sigarilyo.Pero noong nagdesisyon si Zoe na magpakasal kay Elijah, hindi lang paninigarilyo ang binalikan ni Nathaniel—naging addict na siya rito. Pakiramdam niya noon, wala na ring point na tumigil pa. Subalit nitong mga nakaraang buwan lang, subconsciously, sinubukan niyang mag-quit uli.Nakita ni Winston ang matinding pagka-down ng kaibigan kaya tinukso niya ito. "Pre, hindi sa pinangungunahan kita, pero 'yung relationship niyo, parang nasa cloud nine pa rin ang labo. Ganyan ka na nga ka-desperado, paano pa kaya 'pag usapang kasal na?"Ibinaba ni Nath
Read more