"Totoo nga." Tinitigan ni Nathaniel ang kawalan, may kakaibang dilim at lamig sa kaniyang mga mata. Noon, kahit si Madam Rebecca ang may hawak ng alas sa pamilya Mendoza, hindi magiging ganoon kadali para sa kaniya ang magpagalaw ng isang buong sindikato. Sa huli, lahat ng hinala niya ay bumabalik kay Ramon. Matapos makulong ni Ramon, mukhang sinalo ni Madam Rebecca ang impluwensya nito, at doon siya naging kampante at mapangahas. Pero pagkatapos ng shootout pitong taon na ang nakalipas, biglang naglaho ang grupong ito—parang bula na itinago nang maigi. Sa loob ng maraming taon, nanahimik sila. "Masamang balak ang dala ng taong 'yan. You need to keep a close eye on Zoe's safety," babala ni Winston. "Kung kailangan, lumayo ka muna sa kaniya. Sa ngayon, the enemy is in the shadows, and we're in the open. Tignan muna natin kung anong trip niya at bakit siya gumagawa ng ganitong ingay." "Kung susubukan niyang kumonekta uli sa lola mo, siguradong tutulungan niya itong agawin ang kontr
Read more