Umiling si Cecilia matapos marinig ang hinala ni Jack. "Sa tingin ko naman, hindi.""Tuwing pumupunta 'yan dito, tumutulong lang siya sa amin ni Cassandra. Kapag naghahalaman ako, siya ang taga-buhat ng mga mabibigat na lupa. Kapag naman si Cassandra ay nangingisda sa likod, siya ang taga-bitbit ng mga gamit," kwento ng matanda.Tumingin siya nang diretso kay Zoe. "Sa nakikita ko, mukhang hindi ka pa rin niya matanggap na nawala ka na sa kaniya. Siguro umaasa siya na tutulungan namin siyang kausapin ka."Bahagyang napakagat-labi si Zoe. "Kapag bumalik pa siya rito, pakisabi po sa akin. Ako na ang tatawag sa kaniya para pakiusapan siyang huwag na kayong i-disturb ni Teacher."Akala niya kasi noong una ay may pinag-uusapan lang silang business ni Cassandra, lalo na’t may mga medical projects din ang mga Alcantara. Pero hindi niya inasahan na dahil lang pala ito sa kaniya."Sige, ikaw ang bahala," sagot ni Cecilia bago nag-iba ng paksa. "Kumusta naman ang pagbubuntis mo? Nagpa-check up k
Read more