Anim na taon ang lumipas at maraming nagbago sa buhay ni Sydney. Pitong taon simula nang maghiwalay sila ni Vince, anim taon simula nang mawala sa pangalan niya ang Marquez. Madami siyang sinakripisyo, at madami siyang napagdaanang sakit at pagsubok sa loob ng pitong taon. Pero hindi niya akalain na makakaya niya, na kaya niya pala na makawala sa nakaraan, na makawala sa sakit at multo ng kahapon.Iyon siguro ang epekto ng sakit na idinulot ni Vince, at ng paghihirap na dinanas ni Sydney sa taong magkasama sila. Ngunit ngayon, malaya na siya mula sa sakit at pamamalimos ng pag-ibig. Sa pagkakataong ito, siya naman muna.Kailangan niyang maging matatag, kasama ng dalawang dahilan kung bakit siya matatag, ang kaniyang kambal. Ang mga ito ang dahilan kung bakit siya bumabangon sa pang-araw-araw.Lumaki silang mabuti, masisipag, at mapagmahal, malayo sa ugali ni Vince. Ngunit kung titingnan, halatang anak sila ng isang Marquez, ang mga mata at labi nila ay kahawig ng kay Vince. Mabuti na
Last Updated : 2025-11-26 Read more