LOGIN
Anim na taon ang lumipas at maraming nagbago sa buhay ni Sydney. Pitong taon simula nang maghiwalay sila ni Vince, anim taon simula nang mawala sa pangalan niya ang Marquez. Madami siyang sinakripisyo, at madami siyang napagdaanang sakit at pagsubok sa loob ng pitong taon. Pero hindi niya akalain na makakaya niya, na kaya niya pala na makawala sa nakaraan, na makawala sa sakit at multo ng kahapon.
Iyon siguro ang epekto ng sakit na idinulot ni Vince, at ng paghihirap na dinanas ni Sydney sa taong magkasama sila. Ngunit ngayon, malaya na siya mula sa sakit at pamamalimos ng pag-ibig. Sa pagkakataong ito, siya naman muna.
Kailangan niyang maging matatag, kasama ng dalawang dahilan kung bakit siya matatag, ang kaniyang kambal. Ang mga ito ang dahilan kung bakit siya bumabangon sa pang-araw-araw.
Lumaki silang mabuti, masisipag, at mapagmahal, malayo sa ugali ni Vince. Ngunit kung titingnan, halatang anak sila ng isang Marquez, ang mga mata at labi nila ay kahawig ng kay Vince. Mabuti na lamang at kahit papaano ay nakuha nila ang tangos ng ilong kay Sydney.
Mas gumagaan ang kalooban ni Sydney dahil kahit papaano ay hindi hinahanap ng kaniyang mga anak si Vince. Ngunit kung sakaling dumating ang araw na magtanong ang mga ito, hindi niya alam kung kaya niyang sabihin ang katotohanan.
Na ang lalaking ama nila, ang lalaking minahal niya noon, ay siyang mismong umayaw sa kanila.
Napahinga na lang si Sydney nang malalim at nag-scroll sa kaniyang laptop. Lunch time na nila, pero hindi niya magawang kumain. Ang daming tumatakbo sa isip niya lalo na ang pinaplano niyang negosyo.
“Hoy! Look, it’s already lunch time, magpahinga ka naman,” sambit ni Anne.
“Nasa ibang bansa ka na, nasa Singapore ka, pero ang hataw mo parang nasa Manila ka,” pang-aasar ni Lizzy. Napatawa na lang si Sydney at napailing-iling.
“Alam mo naman na mahirap ang buhay ngayon. Kahit na malaki ang sahod natin, malaki din naman ang gastusin. Bukod pa rito, nag-aaral na ang mga anak ko kaya kailangan ko talagang magtrabaho nang husto para sa kanila.”
“Bakit naman kasi hindi ka na lang maghanap ng matandang lalaki na mayaman, 'yung mag-aangat sa iyo sa kahirapan?” wika ni Anne.
“Talagang matanda, para ano, para mabilis ang kitaan? Ewan ko sa iyo, Anne,” wika ni Lizzy.
“Tatlong taon na tayong magkakasama dito, pero ni minsan hindi ko nakitang magpahinga iyan si Shi. Mukhang ikaw na ata ang papalit sa boss natin, kaya ang mga taga Singapore dito galit na galit, akala mo naman may panlaban ang designs nila,” wika ni Anne. Napahinga na lang si Sydney at napailing-iling.
“Huwag kang maghanap ng away, mas mabuti na tayo lang ang maging humble pero matapang pa rin,” wika ni Sydney sa kanila. Lumabas na si Anne ng opisina habang si Sydney naman ay tumayo na sa kaniyang kinauupuan para sumunod sa kanila, pero agad naman siyang hinarap ni Lizzy.
“Wala ka bang sasabihin sa akin?” tanong ni Lizzy kay Sydney. Napakunot naman ang noo ni Sydney dahil sa tanong.
“Ano namang sasabihin ko sa iyo?” tanong ni Sydney. Kinuha naman ni Lizzy ang kaniyang telepono sabay hinarap kay Sydney.
Nakita agad ni Sydney ang headline ng balita: Vincent Marquez, ready to get married again.
“Sa tingin mo, handa ba talaga siyang magpakasal ulit?” tanong ni Lizzy kay Sydney. Napatingin lang si Sydney kay Lizzy at napahinga lang nang malalim.
“Bakit mo naman sa akin tinatanong iyan?” wika ni Sydney kay Lizzy. Nagkibit-balikat na lang si Lizzy.
“Ewan, kasi ikaw 'yung dating asawa niya, tapos after six years lumabas ang ganitong balita tungkol sa kaniya.”
“Nasa kaniya naman iyon kung iyon ang gusto niya,” wika ni Sydney. “Wala na rin akong pakialam sa buhay niya ngayon. Ang priority ko ang mga anak ko.”
Napahinga naman si Lizzy nang malalim sabay napatango-tango. “Ang unfair niya, 'di ba? Dati, ayaw niyang magpakasal dahil hindi siya handa, tapos bigla na lang ganito. Nang mawala ka, saka lang siya naging handa?”
Napatigil si Sydney dahil sa sinabi ni Lizzy. Tama si Lizzy, iyon ang buhay na gusto niya at iyon ang buhay na hindi ibinigay ni Vince sa kaniya.
“Hindi naman ako ang priority niya, Lizzy, alam nating lahat iyan. Kung magiging handa siya, siguradong doon iyon sa babaeng hinahanap niya noon pa, at hindi ako iyon.”
After all, si Sydney ang pumilit, si Sydney ang lumaban para sa kanilang dalawa. Ngunit hindi niya kailanman naranasan ang pag-ibig na nararapat sa kaniya...
**
6 years ago.
“Kasal?!” tanong ni Lizzy kay Sydney. Literal na gulat na gulat si Lizzy dahil sa balita. “Seryoso ka ba talaga na magpapakasal ka sa lalaking hindi mo kilala?” Napangiti na lang si Sydney at napatingala sa langit.
“Wala naman akong magagawa, gusto ng mga magulang ko, e.”
“Pero twenty-two ka na, hindi ba dapat meron ka nang sariling desisyon?”
Napangiti na lamang si Sydney. Kung sana ay ganoon kadali ang buhay.
Napatingin na lang siya kay Lizzy habang nakangiti. “Gusto ko rin naman siya,” wika ni Sydney. “Si Vince. 'Yung senior natin dati. 'Yung magaling sa basketball,” wika niya kay Lizzy. Nanlaki naman ang mata ni Lizzy dahil sa sinabi niya.
“Vincent Marquez?! 'Yung pamilya nila na kilalang tycoon?!” Napangiti si Sydney at napatango-tango.
Napahinga lang naman si Sydney nang malalim habang nakatingin sa alapaap.
“Ang dad ko at ang dad niya ay matalik na magkaibigan noon pa, kaya siguro talagang nagkaroon si dad ng koneksiyon sa kanila.”
“Jackpot ka na riyan, isipin mo, ang Vince Marquez, isang role model, matalino, at walang iskandalo. Siguradong ang ganda ng lahi ninyo!” tuwang sambit ni Lizzy na may kasama pang paghampas.
“Hindi pa pumapasok sa isip ko iyon,” wika ni Sydney kay Lizzy.
“Doon na rin naman papunta iyon. Sa tingin ko, blessing in disguise rin siguro ang nangyayari sa buhay mo ngayon. Look, mapapangasawa mo na 'yung taong gusto mo,” wika ni Lizzy. Hindi matago ni Sydney ang kaniyang saya dahil totoo naman, gusto niya si Vince, kahit noon pa noong senior niya pa lang ito sa kolehiyo.
Alam niya na wala itong naging kasintahan dahil goal oriented ito, hindi rin babaero at walang naging isyu bilang isang f-ck boy. Kaya alam niya na si Vince na ang lalaki para sa kaniya. Ngunit... baka hindi pa talaga niya ito ganoon kakilala.
“Ayaw ko sa kasal na ito!” sigaw ni Vince, kasabay ng paghampas niya sa lamesa. “Bakit ninyo kami ikakasal na hindi naman namin ganoon kakilala ang isa’t isa at hindi rin naman namin mahal ang isa’t isa!”
“Vince, pwede ba, huwag kang magwala sa harapan ng pagkain!” mariing sabi ng dad niya.
“Dad, sinasabi ko lang ang totoo at hindi ninyo rin ba kami muna tinanong? Paano kung meron kaming gustong ibang tao? Hindi ninyo man lang inisip iyon?” wika niya sa kanilang lahat.
Nagulat naman si Sydney nang bigla siyang tiningnan ni Vince nang sobrang talim. “Sydney, tama ako, tutol ka rin sa desisyon nila? Hindi ba?”
Biglang na-corner si Sydney sa mga oras na iyon. May punto si Vince na hindi naman dapat sila pinipilit na magpakasal, kahit na gusto niya si Vince iisipin pa rin niya ang kagustuhan nito.
Ngunit hindi iyon ang sinasabi ng mga tingin ng mom at dad ni Sydney sa kaniya. Kitang-kita sa mga tingin nila na malalagot si Sydney sa kanila sa oras na mayroon siyang maling sinabi.
Napalunok na lang si Sydney at napatingin pabalik kay Vince. “Pero... hindi ba dapat sumunod na lang tayo sa kanila?” mahina niyang sabi, may takot na namumutawi sa kaniyang loob.
Makikita sa mukha ni Vince ang disappointment dahil sa sinabi ni Sydney, “Alam ko na, iyon din ang gusto mo,” galit na bulong ni Vince.
Padabog siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan at lumabas ng dining area. Napayuko na lang si Sydney at napahawak sa kaniyang kamay. Nakaramdam siya ng hiya at guilt dahil sa nangyari. Dapat ay mas naging matapang siya, ngunit wala siyang lakas.
“Hindi talaga mapagsabihan nang maayos ang batang iyan. Pagpasensiyahan mo na, Sydney,” wika kay Sydney ng mom ni Vince. Napatingin naman si Sydney sa kaniya sabay napangiti.
Napahinga si Sydney nang malalim, kumukuha ng lakas ng loob na magsalita. “Pero... seryoso na po talaga kayo sa balak ninyo?” mahinahon niyang tanong sa kanila.
“Ano ba namang tanong iyan, Sydney. Huwag mong sabihin na pati ikaw, tututol ka?!” pagalit na sabi ng mom ni Sydney sa kaniya. Napalunok naman si Sydney sabay napailing-iling.
“Hindi po,” takot na sabi ni Sydney. “Pero kasi, hindi naman gusto ni Vince, hindi ba dapat alamin din natin 'yung nararamdaman niya, 'yung gusto niya,” wika niya sa kanila.
“Ang dapat, marunong siyang sumunod sa utos sa kaniya. Kayo ang susunod na magmamana ng negosyo ng pamilya kaya bakit hindi ninyo kami sundin na lang?” pagalit na sabi ng dad ni Vince.
“Pero Tito, hindi naman po sa ganoon–”
“Sydney!” tawag sa kaniya ng kaniyang dad. “Huwag ka nang sumagot. Puntahan mo na lang si Vince at kumbinsihin mo dahil buo na ang pasya namin ni Roberto,” diretsong sabi ng dad ni Sydney.
Napatango na lang si Sydney at dahan-dahan na tumayo sa kaniyang kinauupuan. Wala na rin naman siyang lakas pa na makipaglaban sa kanila dahil hindi naman siya papakinggan.
Kaya kahit na ayaw niyang sundan si Vince, dahil alam niyang gusto nitong mapag-isa ay sinunod niya ang utos nilang lahat dahil alam niya na iyon ang makakabuti.
Talaga nga bang makakabuti para sa kanilang dalawa?
Hinanap niya si Vince. Napatigil siya nang makita ito sa veranda. Naninigarilyo, punong-puno ng galit, malayo sa lalaking iniidolo niya noon.
“Bakit mo ako sinundan dito.” Napatigil naman si Sydney dahil sa sinabi niya. Tumingin si Vince kay Sydney, sobrang seryoso, habang ang stick ng sigarilyo ay nakalagay sa kaniyang bibig.
Dahan-dahang lumapit si Vince kay Sydney at pagkatapos ay inihip ang usok nang diretso sa mukha ni Sydney. “Talagang sunod-sunuran ka? Wala ka bang sariling desisyon sa buhay?” mariing sabi niya.
Napalunok na lang si Sydney habang direktang nakatingin kay Vince.
Tama si Vince, wala siyang sariling desisyon at talagang hindi na siya magkakaroon pa.
Ngumisi nang mapait si Vince. “Ikaw, 'di ba?” seryosong tanong niya kay Sydney. “'Yung laging nakasunod sa akin noong kolehiyo at pinapanood ako sa training ko. Kaya ba pumayag ka sa kasalang ito?” matalim niyang tanong.
“Hindi–”
“Sabihin mo sa akin,” bulalas niya. “Gusto mong makipag-sex? Iyan ba ang gusto mo? Sabihin mo na para matapos na ito at makaalis ka na sa buhay ko!”
Huminto ang mundo ni Sydney. Lahat ng kaniyang inaasahan ay nagsimulang magkawasak at bumagsak. Ang lalaking akala niya ay mabait, ang dahilan kung bakit siya nagsimulang umibig.
Ang lalaking akala niya ay siya na... ay ang siyang lalaking hindi gugustuhin ang halik, yakap at pagmamahal niya. Mas matalas pa pala ang dila sa isang kutsilyo.
Nagising si Sydney na may sakit na nararamdaman sa buong katawan. Napatingin siya sa bintana at mukhang maliwanag na sa labas. Dahan-dahan niyang inangat ang katawan dahilan upang makita ang sarili rekta sa salamin na nakatayo sa gilid ng kama.Kita ang pulang mga marka na nagkalat sa leeg at sa dibdib ni Sydney. Doon sa kanya nanumbalik ang nangyari sa kanila ni Vince na ngayon ay wala na sa tabi niya. Napahinga na lang siya nang malalim at pinilit ang sarili na tumayo sa kama kahit na kumikirot pa ang gitnang parte.Kinuha niya ang bathrobe na nakasabit sa likod ng pinto at plano niyang lumabas ng kuwarto.Pagbukas ni Sydney ng pintuan ay napatigil siya nang makita si Vince na nakatayo doon at akmang hahawakan ang doorknob ngunit huli na dahil nabuksan na niya ito.“Buti naman gising ka na,” seryoso nitong sabi.Napalunok si Sydney at napatingin nang diretso sa mata ni Vince. Mukhang bumalik na ito sa dati nitong pagkatao, ang seryoso, malamig, at may galit na Vince.“Don’t give any
Dahan-dahan binabagtas ni Vince ang kamay niya mula sa bewang ni Sydney paakyat sa likuran nito habang mapusok ang binibigay niyang halik kay Sydney.Naramdaman ni Sydney na ipinasok ni Vince ang kamay nito sa loob ng damit niya at dahan-dahan iyong hinubad. Dahan-dahan siyang inihiga ni Vince sa kama habang patuloy pa rin sila sa paghahalikan.Damang-dama nila kung gaano sila kagutom at kung paano nila ginugusto ang mga nangyayari, dahil sa mga oras na ito mas lalong nagliliyab at umiinit ang kanilang tagpo. Hinawakan ni Sydney ang sando ni Vince at siya mismo ang nagtanggal noon. Bumungad kay Sydney ang malapad na dibdib at matitigas na braso ni Vince. Mas lalo siyang nag-init nang maglakbay ang mata niya pababa sa tiyan nito. Kitang-kita ang six pack abs nito lalo na ang buhok mula sa pusod pababa.Wala sa isip ni Sydney na darating sila sa ganitong pangyayari. Gusto niyang pigilan si Vince pero mismong katawan niya ang sumusuko rito.Hinawakan ni Vince ang kamay ni Sydney. Napalun
Tahimik si Sydney sa buong biyahe nila papunta sa mansyon ng mga Marquez. Hindi siya sinundo ni Vince kaya ang kapatid na lamang nitong si Victor ang sumundo sa kanya.Napakaraming sinasabi ni Victor, pero nag-a-agree na lang siya kahit na hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito. Hindi niya rin alam kung bakit sobrang wala siya sa focus sa mga oras na iyon.Nakatingin lang siya sa labas ng sasakyan ni Victor at pinagmamasdan ang tanawin patungo sa bahay nila."Hey, andito na tayo."Nagising na lang si Sydney sa ulirat niya at napatingin sa labas at tama nga si Victor, nasa harapan na sila ng bahay nila."Kanina ka pa tahimik," nakangiti niyang sambit."Sorry, marami lang din akong inisiip," wika ni Sydney kay Victor."Tungkol ba iyan sa kasal ninyo ni Vince?" tanong ni Victor sa kanya. Napakibit-balikat na lang si Sydney."Hindi ko rin alam, eh." Hindi niya masagot ang tanong ni Victor, hindi dahil hindi siya sigurado, pero dahil wala naman na talaga siyang maibibigay na sagot dito
Anim na taon ang lumipas at maraming nagbago sa buhay ni Sydney. Pitong taon simula nang maghiwalay sila ni Vince, anim taon simula nang mawala sa pangalan niya ang Marquez. Madami siyang sinakripisyo, at madami siyang napagdaanang sakit at pagsubok sa loob ng pitong taon. Pero hindi niya akalain na makakaya niya, na kaya niya pala na makawala sa nakaraan, na makawala sa sakit at multo ng kahapon.Iyon siguro ang epekto ng sakit na idinulot ni Vince, at ng paghihirap na dinanas ni Sydney sa taong magkasama sila. Ngunit ngayon, malaya na siya mula sa sakit at pamamalimos ng pag-ibig. Sa pagkakataong ito, siya naman muna.Kailangan niyang maging matatag, kasama ng dalawang dahilan kung bakit siya matatag, ang kaniyang kambal. Ang mga ito ang dahilan kung bakit siya bumabangon sa pang-araw-araw.Lumaki silang mabuti, masisipag, at mapagmahal, malayo sa ugali ni Vince. Ngunit kung titingnan, halatang anak sila ng isang Marquez, ang mga mata at labi nila ay kahawig ng kay Vince. Mabuti na







