LOGINNagising si Sydney na may sakit na nararamdaman sa buong katawan. Napatingin siya sa bintana at mukhang maliwanag na sa labas. Dahan-dahan niyang inangat ang katawan dahilan upang makita ang sarili rekta sa salamin na nakatayo sa gilid ng kama.
Kita ang pulang mga marka na nagkalat sa leeg at sa dibdib ni Sydney. Doon sa kanya nanumbalik ang nangyari sa kanila ni Vince na ngayon ay wala na sa tabi niya. Napahinga na lang siya nang malalim at pinilit ang sarili na tumayo sa kama kahit na kumikirot pa ang gitnang parte.
Kinuha niya ang bathrobe na nakasabit sa likod ng pinto at plano niyang lumabas ng kuwarto.
Pagbukas ni Sydney ng pintuan ay napatigil siya nang makita si Vince na nakatayo doon at akmang hahawakan ang doorknob ngunit huli na dahil nabuksan na niya ito.
“Buti naman gising ka na,” seryoso nitong sabi.
Napalunok si Sydney at napatingin nang diretso sa mata ni Vince. Mukhang bumalik na ito sa dati nitong pagkatao, ang seryoso, malamig, at may galit na Vince.
“Don’t give any meaning sa nangyari sa atin kagabi. Mag-asawa na tayo, natural na magagawa natin yung bagay na iyon,” diretso nitong sabi. Hindi naman umimik si Sydney sa sinabi ni Vince at napayuko na lang. Hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin niya rito sa mga oras na iyon dahil sa kahihiyan na nararamdaman.
“Here, bumili ako ng painkillers and pills.” Abot ni Vince ng paper bag kay Sydney. “Tumawag ako sa Tita kong OB to know what’s best pills na puwede mong inumin. Ayaw kong magkaanak and expect that we will do this kind of activity, we’re adult and we have our needs. Mag-asawa naman tayo, kaya bakit hindi ko na kukunin sa ’yo yung benefit na iyon hindi ba?” seryoso nitong sabi kay Sydney.
Inabot naman ni Sydney ang paper bag sa kamay ni Vince.
“Thank you,” mahinahon niyang sabi.
“I’ll wait you here outside, kailangan natin pag-usapan yung set up natin,” seryoso lang nitong sabi sabay naglakad paalis sa harapan niya.
Napapikit si Sydney at napahinga nang malalim dahil sa bigat ng atmosphere sa gitna nilang dalawa. Ano pa nga bang ine-expect niya kay Vince? Ang lahat ay dala ng alcoholic state ni Vince at dala ng tawag ng laman.
Inayos ni Sydney ang sarili at nagbihis nang presintable. Ginamit niya ang concealer para takpan ang mga hickeys bago siya lumabas ng kuwarto.
Doon ay nakita niya si Vince na nakaupo habang nagbabasa ng libro. Tahimik lang nitong iniintindi ang libro, isang bagay na hinangaan niya rito. Kasi ganoon na ganoon niya rin ito nakikita sa library tuwing pumupunta sila ni Lizzy at naabutan nila si Vince na nag-aaral kapag meron itong free time.
“Ano yung pag-uusapan natin?” tanong ni Sydney kay Vince. Napatigil naman ito sa ginagawa at napatingin sa kanya.
“About the set up,” sambit ni Vince kay Sydney. “Once na lumipat na tayo sa bahay, wala na dapat tayong pakialamanan. Sa Lunes magsisimula na ako sa office ni Dad. Hindi tayo magkakasama which is good for the both of us,” wika nito sa kanya.
“So ano’ng gusto mong gawin ko?” tanong ni Sydney kay Vince.
“Just do whatever you want,” wika ni Vince. “Dapat malaman nila na ayos tayo sa isa’t isa. Dapat alam nila na walang ilangan sa pagitan natin. In short we will act nice in front of them. Hanggang doon lang, don’t treat those things na totoo dahil walang pag-asa na mahalin kita.”
Doon naramdaman ni Sydney ang sakit sa sinabi ni Vince. Alam niya na walang pag-asa, pero kapag mismong nanggaling dito, para siyang sinampal ng katotohanan na ang kasal na ito ay tungkol lang sa negosyo at kaginhawahan, hindi para sa kanila, kundi para sa kanilang pamilya.
Kaya nung nakalipat na sila sa bahay, doon sila nagsimulang hindi na ganoon magpansinan. Lagi si Vince sa office, habang si Sydney naman ay nasa bahay lang. Lagi itong late umuwi at kapag umuuwi, hindi na ito kumakain at dumidiretso na sa pagtulog.
Kapag weekends, kailangan lagi silang magkasama dahil bumibisita ang mga magulang nila sa bahay nila para kumustahin sila. Pero ang hindi makakalimutan ni Sydney ay nang marinig niya si Vince at Tito Roberto na nag-uusap sa pool area. Masyado silang seryoso at mukhang pinagagalitan ni Roberto si Vince.
“Ano itong naririnig ko na hindi ka umuuwi dito sa bahay ninyo ng asawa mo?” tanong ni Roberto kay Vince. Seryoso lang naman na nakatingin si Vince kay Roberto, pero kita sa kanilang dalawa na merong galit na namamagitan sa kanila.
“Dad, alam mo na marami akong ginagawa sa office hindi ba?” wika ni Vince.
“Ng alas tres ng gabi?” tanong ni Roberto. “Alam mo na hindi ko naman sinasabi na mag-stay ka doon at lagi kitang pinapauwi ng maaga para magkaroon kayo ng time ni Sydney sa isa’t isa.”
Hindi naman nakapagsalita si Vince doon, dahil iyon ang totoo. Lagi naman itong late umuwi at minsan tulog na rin si Sydney kapag umuuwi ito. Naririnig na lang niya na merong kumakalampag sa sala ng alas kuwatro ng madaling araw.
Kapag pinagmamasdan niya si Vince, ang gagawin lang nito ay uuwi at maliligo pagkatapos ay magbibihis ng panibagong damit at aalis na ulit. Tumatagal lang si Vince sa bahay na ito kapag minsan uuwi itong lasing na lasing at iyon ang magiging dahilan kung bakit merong nangyayari sa kanilang dalawa.
“At ano itong naririnig ko na lagi kang umuuwi sa condo mo?” tanong ni Roberto kay Vince.
“Dad hindi—”
Nagulat na lang si Sydney nang bigla si Vince binigyan ni Roberto ng malakas na suntok. “Ganito ba talaga ang ginagawa mo?!” sigaw ni Roberto rito. “Ang sabi ni Sydney ayos kayong dalawa at lagi kang nandito, pero bakit iba yung sinasabi ng mga tauhan ko?”
Napahawak si Vince sa kanyang mukha at masamang tinignan si Roberto. “Pinapasundan mo ako?” seryosong sabi ni Vince.
“Kilala kita, alam ko na yung mga kuwento ni Sydney ay hindi totoo dahil hindi ka naman ganoon. You’re so performative yet you can’t give a graceful and a true act. Umaalingasaw pa rin ang kasinungalingan mo,” diin na sabi ni Roberto kay Vince.
Hinawakan ni Roberto ang kuwelyo ni Vince nang mahigpit. “Ayusin mo ang buhay mo Vince, ito na lang ang pinapagawa ko sa ’yo,” diin na sabi niya sabay malakas na tulak kay Vince dahilan upang mapaupo ito.
Agad namang naglakad paalis si Roberto doon, dahilan upang magmadali si Sydney na makapagtago para hindi siya makita nito.
Nang makaalis na si Roberto, doon niya agad pinuntahan si Vince na siyang kasalukuyang nakaupo sa couch doon sa pool area.
“Vince, are you alright?” Kita ni Sydney sa mukha ni Vince ang pasa at ang nagdudugong gilid na labi nito.
Gamit ang first aid kit na dala ni Sydney, agad siyang kumuha ng bulak at povidone iodine para linisin ang sugat ni Vince.
Kung kanina’y nakatulala si Vince, ngayon ay seryoso na itong nakatingin kay Sydney. “What did you say to him?” seryoso nitong tanong sa kanya.
Napatigil naman si Sydney sa ginagawa at napatingin kay Vince.
Bigla nitong hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Sydney dahilan upang mabitawan niya ang bulak na hawak-hawak.
“Bakit ganoon ang naging reaction ni Dad? Bakit alam niya na hindi ako dito natutulog?”
“W-Wala akong sinabi sa kanya. Ang sinabi ko lang na wala kang oras minsan, dahil sa trabaho mo at maayos tayo kapag magkasama tayong dalawa,” paliwanag ni Sydney kay Vince. Napahinga na lang ito nang malalim sabay binitawan ang kamay niya.
Tumayo si Vince sa kanyang kinauupuan at tumingin nang diretso kay Sydney. “Puwede ba, don’t act like you care, alam ko naman na kasinungalingan lang lahat ng iyan,” diin na sabi ni Vince sabay naglakad papasok sa loob ng bahay.
Napatayo na lang si Sydney galing sa pagkakaluhod at tinignan si Vince na umalis. Ilang buwan na silang magkasama pero never pa niya itong nakausap nang maayos. Lagi na lang cold treatment ang nakukuha niya rito.
“Kailan ba niya makikita na mahal ko siya?” tanong ni Sydney sa sarili.
Nagising si Sydney na may sakit na nararamdaman sa buong katawan. Napatingin siya sa bintana at mukhang maliwanag na sa labas. Dahan-dahan niyang inangat ang katawan dahilan upang makita ang sarili rekta sa salamin na nakatayo sa gilid ng kama.Kita ang pulang mga marka na nagkalat sa leeg at sa dibdib ni Sydney. Doon sa kanya nanumbalik ang nangyari sa kanila ni Vince na ngayon ay wala na sa tabi niya. Napahinga na lang siya nang malalim at pinilit ang sarili na tumayo sa kama kahit na kumikirot pa ang gitnang parte.Kinuha niya ang bathrobe na nakasabit sa likod ng pinto at plano niyang lumabas ng kuwarto.Pagbukas ni Sydney ng pintuan ay napatigil siya nang makita si Vince na nakatayo doon at akmang hahawakan ang doorknob ngunit huli na dahil nabuksan na niya ito.“Buti naman gising ka na,” seryoso nitong sabi.Napalunok si Sydney at napatingin nang diretso sa mata ni Vince. Mukhang bumalik na ito sa dati nitong pagkatao, ang seryoso, malamig, at may galit na Vince.“Don’t give any
Dahan-dahan binabagtas ni Vince ang kamay niya mula sa bewang ni Sydney paakyat sa likuran nito habang mapusok ang binibigay niyang halik kay Sydney.Naramdaman ni Sydney na ipinasok ni Vince ang kamay nito sa loob ng damit niya at dahan-dahan iyong hinubad. Dahan-dahan siyang inihiga ni Vince sa kama habang patuloy pa rin sila sa paghahalikan.Damang-dama nila kung gaano sila kagutom at kung paano nila ginugusto ang mga nangyayari, dahil sa mga oras na ito mas lalong nagliliyab at umiinit ang kanilang tagpo. Hinawakan ni Sydney ang sando ni Vince at siya mismo ang nagtanggal noon. Bumungad kay Sydney ang malapad na dibdib at matitigas na braso ni Vince. Mas lalo siyang nag-init nang maglakbay ang mata niya pababa sa tiyan nito. Kitang-kita ang six pack abs nito lalo na ang buhok mula sa pusod pababa.Wala sa isip ni Sydney na darating sila sa ganitong pangyayari. Gusto niyang pigilan si Vince pero mismong katawan niya ang sumusuko rito.Hinawakan ni Vince ang kamay ni Sydney. Napalun
Tahimik si Sydney sa buong biyahe nila papunta sa mansyon ng mga Marquez. Hindi siya sinundo ni Vince kaya ang kapatid na lamang nitong si Victor ang sumundo sa kanya.Napakaraming sinasabi ni Victor, pero nag-a-agree na lang siya kahit na hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito. Hindi niya rin alam kung bakit sobrang wala siya sa focus sa mga oras na iyon.Nakatingin lang siya sa labas ng sasakyan ni Victor at pinagmamasdan ang tanawin patungo sa bahay nila."Hey, andito na tayo."Nagising na lang si Sydney sa ulirat niya at napatingin sa labas at tama nga si Victor, nasa harapan na sila ng bahay nila."Kanina ka pa tahimik," nakangiti niyang sambit."Sorry, marami lang din akong inisiip," wika ni Sydney kay Victor."Tungkol ba iyan sa kasal ninyo ni Vince?" tanong ni Victor sa kanya. Napakibit-balikat na lang si Sydney."Hindi ko rin alam, eh." Hindi niya masagot ang tanong ni Victor, hindi dahil hindi siya sigurado, pero dahil wala naman na talaga siyang maibibigay na sagot dito
Anim na taon ang lumipas at maraming nagbago sa buhay ni Sydney. Pitong taon simula nang maghiwalay sila ni Vince, anim taon simula nang mawala sa pangalan niya ang Marquez. Madami siyang sinakripisyo, at madami siyang napagdaanang sakit at pagsubok sa loob ng pitong taon. Pero hindi niya akalain na makakaya niya, na kaya niya pala na makawala sa nakaraan, na makawala sa sakit at multo ng kahapon.Iyon siguro ang epekto ng sakit na idinulot ni Vince, at ng paghihirap na dinanas ni Sydney sa taong magkasama sila. Ngunit ngayon, malaya na siya mula sa sakit at pamamalimos ng pag-ibig. Sa pagkakataong ito, siya naman muna.Kailangan niyang maging matatag, kasama ng dalawang dahilan kung bakit siya matatag, ang kaniyang kambal. Ang mga ito ang dahilan kung bakit siya bumabangon sa pang-araw-araw.Lumaki silang mabuti, masisipag, at mapagmahal, malayo sa ugali ni Vince. Ngunit kung titingnan, halatang anak sila ng isang Marquez, ang mga mata at labi nila ay kahawig ng kay Vince. Mabuti na







