แชร์

Chapter 5

ผู้เขียน: Author Rejj
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-12-10 08:00:21

Napainom na lang ng beer si Sydney habang nakatingin sa labas ng veranda. Kasama niya ngayon si Lizzy dahil wala rin naman siyang magagawa sa bahay. Wala rin siyang trabaho, wala rin siyang magawa sa bahay. Gusto niyang maglakad-lakad doon sa village pero malapit lang din doon ang lugar nila Tito Roberto kaya hindi niya magawa yung bagay na iyon. Kaya hanggang maaari ay makalayo siya sa bahay para hindi ma-stress sa kung ano ang ipapalusot niya kay Tito Roberto.

Pagkatapos nung nangyari sa kanilang dalawa ni Vince, mas lalong naging mailap si Vince kay Sydney. Galit siya dahil sa nangyari. Pero hindi rin naman niya masisisi si Vince, dahil pinilit din ito na malagay sa ganitong sitwasyon. Kung meron lang siyang kakayahan na tumanggi at i-persuade ang mga magulang niya ay gagawin niya para lang hindi matuloy ang kasal nila noon. Pero wala, wala rin siyang laban.

“Uy tulala ka jan!” tawag kay Sydney ni Lizzy sabay snap ng kamay niya. Napatingin naman si Sydney sa kaniya sabay napainom sa beer.

“Ang lalim ng iniisip mo sister ko, ano na ang issue?” tanong ni Lizzy kay Sydney.

Napahinga si Sydney nang malalim sabay napainom muli.

“Ano pa nga ba, edi same issue lang din naman. Ang ilap-ilap ni Vince at galit siya sa akin,” sambit niya. Napataas naman ang kilay ni Lizzy sabay inom ng alak.

“Galit? Paano’ng galit, yung to the point na magkakachikinini ka na sa leeg?” pang-aasar ni Lizzy sabay turo niya doon. Nanlaki naman ang mata ni Sydney at napatakip doon. Hindi niya ine-expect na meron pa lang bakas ng ginawa ni Vince. As usual, naglasing na naman ito kahapon at ang una niyang ginawa ay imbis na pumasok sa kuwarto niya ay hinahanap si Sydney at akala mo sobrang mahal nila ang isa’t isa dahil sa mga halik nila na akala mo gutom sa isa’t isa.

“Oh hindi ba, hindi makasagot. Ano ‘yan galit-galitan. Tapos bigla na lang maglalambingan?” tanong ni Lizzy kay Sydney. Napahinga naman siya nang malalim sabay napailing-iling.

“Hindi naman ganon, set up lang din naman. Mag-asawa naman daw kami so better na kami na rin daw yung mag-fulfil ng fantasy namin,” napakunot ang noo ni Lizzy dahil sa sinabi ni Sydney.

“Seryoso ka ba? Talagang pumayag ka sa ganon?” gulat na tanong ni Lizzy.

“Ano ba kayo, f*ck buddies?” hindi na lang sumagot si Sydney sa tanong niya at sa halip ay pinagpatuloy na lang ang pag-inom niya.

“Sydney, ayusin mo lang alam naman na aalis na ako dito sa Pilipinas hindi ba?” seryoso sambit ni Lizzy.

“Ayaw ko lang na wala kang matatakbuhan kapag hindi mo na kaya. Pwede mo naman ng bitawan yung kasal na iyan, para saan pa’t ikinasal kayo sa bansa na merong divorce kung hindi ninyo magagamit hindi ba?” dagdag niya.

Napangiti si Sydney sa kaniya dahil sa sinabi niya. Alam niyang nagwo-worry si Lizzy sa kanya, pero ano’ng magagawa niya. Nakasalalay dito yung business nila.

“Alam mo naman na hindi ko basta-basta maiiwan yung responsibility ko sa pamilya ko hindi ba?” wika ni Sydney.

“Paano naman kasi ang alam lang nila Tito at Tita business. Hindi nga nila alam kung ano ang set up ninyo ni Vince pero eto ka pumapayag lang na ganiyanin,” sambit ni Lizzy.

“Kailan mo ba balak tumigil? Kapag nabuntis ka na niya?” Bigla namang nabuga ni Sydney ang iniinom niya dahil sa tanong niya.

“Ano ba namang klaseng tanong iyan?” wika ni Sydney sa kaniya.

“Oh bakit hindi ba? Sa ginagawa ninyo pa lang dalawa, malabong hindi talaga kayo makabuo niyan,” wika ni Lizzy. Napahinga na lang si Sydney nang malalim at napasandal sa kinaupuan niya.

“Ayaw naman niya magkaanak,” sambit ni Sydney. “So alam ko na hindi ako mabubuntis.” Narinig niya na lang ang malalim na hininga ni Lizzy.

“Alam mo, sana magising ka isang araw na yung mga ginagawa ni Vince sa ‘yo is not okay. Na isang araw magising ka na kaya mo ng lumaban kay Vince sa mga magulang mo at unahin mo naman ang sarili mo.” Iyon ang tumatak sa kanya na sinabi ni Lizzy bago siya umalis para magtrabaho sa ibang bansa.

Hindi niya alam kung saan siya magsisimula, kung kakalabanin ba si Vince o ang mga magulang niya. Gusto niyang magalit kay Vince minsan, pero hindi niya magawa. I end up following his wants.

Kilala ang kanyang dad, umiiwas na siya. Ayaw niyang magpakita sa kanila dahil ayaw niyang ma-corner sila ng tanong na hindi niya alam kung paano sasagutin. Ayaw niyang magsinungaling, pero hindi rin niya kayang lumaban. Kaya ang pag-iwas na lang ang ginagawa niya. Salamat na rin sa tulong ni Victor, naiiwasan niya ang mga magulang niya.

Days passed, patuloy pa rin ang set up nila. Sobrang hirap makisama kay Vince. Sobrang intindihin kung saan siya nanggagaling. Ayaw niya na kumain sa bahay, kaya madaming nasasayang na pagkain. Kaya si Sydney ay nagbigay na lang sa mga nakikita niyang pamilya sa lansangan.

Gusto niyang maging maayos silang dalawa. Kahit hindi nila mahal ang isa’t isa. Gusto niyang walang malaking harang sa pagitan nilang dalawa dahil mararamdaman mo ang bigat ng ambiance.

Katulad ngayon na nandito siya na lang nakatambay sa coffee shop, wala na si Lizzy, wala rin siyang ibang mapupuntahan dito. Hindi na niya alam kung saan pupunta. Pakiramdam niya nakakulong na lang siya sa iisang kuwarto na hindi alam kung saan ang palabas. Na kahit nakakapunta siya sa mall, sa mga lugar na gusto niya, pero pakiramdam pa rin niya ay nakakulong siya.

Nagising siya sa ulirat ng marinig na may kumatok sa lamesa niya. Pagtingin niya ay nakita si Victor, nakasuot ng black tank top at maong pants.

“Rhianne, you’re here. Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong ni Victor.

Napakamot na lang si Sydney at napatingin sa kaniya. “Ahh wala naman, wala kasi akong magawa sa bahay. Wala rin naman akong trabaho pa so inisip ko na libangin na lang yung sarili ko. Ikaw malapit ka lang ba sa lugar na ito?” tanong niya.

“No, dumaan lang ako sa company. Pinatawag ako ni dad, sabi kailangan daw nila ng tulong,” sagot ni Victor.

Napatigil si Sydney dahil sa sinabi niya.

“Company? Malapit lang dito ang company?” gulat na tanong niya. Napatawa naman si Victor.

“Bakit naman gulat ka, eh alam mo naman na nandito yung company sa lugar na ito. Kaya nga nagulat ako na nandito ka. Akala ko pinuntahan mo ang mister mo,” wika ni Victor.

Napahawak si Sydney sa ulo niya dahil sa sinabi ni Victor. Medjo kinabahan siya dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

“F*ck nawala sa isip ko na nandito pala ang company,” wika niya sa sarili niya. Agad niyang kinuha ang bag niya para umalis. Pero hinawakan naman ni Victor ang kamay niya dahilan upang mapatigil siya.

“Asaan ka pupunta?” nagtataka tanong ni Victor.

Napakamot na lang si Sydney sa ulo niya at hindi alam kung ano ang idadahilan.

“Need ko ng umuwi, meron pa pala akong gagawin,” sambit niya.

“Ganon ba, pwede naman kitang isabay na lang, tutal madadaanan ko naman yung bahay ninyo,” offer ni Victor. Pumayag na si Sydney at sumabay pauwi.

Nakahinga siya nang maluwag pagdating sa bahay.

“Thank you, Victor,” sabi niya. Napangiti si Victor sa kanya.

“No worries, next time na lang tayo mag-catch up meron din kasi akong important errands na pupuntahan,” sagot ni Victor. Napangiti na lang siya at napatango-tango bilang pagsang-ayon.

Napahinga siya nang malalim bago pumasok sa bahay, na siyang ikinagulat niya dahil pagpasok sa gate ay nakita niyang nandoon na ang sasakyan ni Vince. Medjo kinabahan siya dahil bakit ganito kaaga siya umuwi. It’s three in the afternoon. It’s unusual na ganitong oras siya umuwi dahil madalas siyang late.

Naglakad siya papasok sa loob ng bahay. Napatigil siya nang makita si Vince seryosong nakaupo sa couch at nakatingin nang matalim sa kanya, dahilan upang matakot siya.

“Andito ka na pala, may pinuntahan kasi ako,” sambit niya lang sa kaniya at naglakad diretso papasok ng kuwarto niya.

“Sa company, hindi ba? Pumunta ka around the area ng company?” napalunok siya dahil sa sinabi niya.

“Sorry, hindi ko alam na around the area pala yung company ninyo, nawala sa isip ko,” wika niya.

“Ano bang sinabi ko sa’yo, hindi ba na huwag pumunta doon? Bakit ba lahat na lang ng bagay ginagawa mo para mapansin ko. Nung una dinalhan mo ako ng pagkain kahit hindi ko gusto and now doon ka magkakape? Bakit, may kulang ka pa bang hindi nakukuha, Sydney?!” sigaw ni Vince.

“S*x, pera, yung company shares? Ano! Pagmamahal? Ano pa bang gusto mong kunin na hindi mo pa nakukuha?!” diin na sabi ni Vince.

Nakatingin si Sydney ng diretso sa kaniya. Alam niya na meron siyang gustong marinig at meron siyang gustong mangyari.

“Wala akong gusto. Hindi ko pinipilit hingiin ang pagmamahal sa ‘yo. Yung maging okay lang tayo, yun yung gusto ko. Mabibigay mo ba?” sambit ni Sydney.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Dear Ex-husband, Look At Me Now   Chapter 6

    Hindi nakuha ni Sydney ang kasagutan na gusto niyang malaman sa kaniya. Yung nangyaring iyon yung lagi nilang pag-aaway ay nauulit lang nang nauulit. Hindi na rin niya alam kung bakit, pero ang dami nilang hindi napagkakasunduan. Hanggang sa hinayaan na lang niya, siya na lang ang nagpaubaya at nag giveway sa kung ano’ng gusto niya.“Nagluto ka na naman? Hindi ba sinabi ko hindi na ako kakain dito. Sino’ng kakain niyan?” tanong ni Vince sa kaniya. Napatingin si Sydney sa kaniya at napangiti kahit na hindi na kayang ngumiti pa.“It’s okay, balak ko rin na lang sa charity. Isipin mo iyon, kahit papaano merong napuntahan na maganda yung kasalan natin,” wika ni Sydney sa kaniya. Tumalikod siya sa kaniya at nagpatuloy sa ginagawa niya.Wala siyang sinabi, tahimik lang siya. Hindi alam ni Sydney kung umalis na ba siya o nandoon pa siya. Wala rin naman siyang pakialam sa kung ano ang nangyayari sa bahay na ito at sa kung ano ang nangyayari sa buhay nila.Ilang beses lumapit si Sydney sa kani

  • Dear Ex-husband, Look At Me Now   Chapter 5

    Napainom na lang ng beer si Sydney habang nakatingin sa labas ng veranda. Kasama niya ngayon si Lizzy dahil wala rin naman siyang magagawa sa bahay. Wala rin siyang trabaho, wala rin siyang magawa sa bahay. Gusto niyang maglakad-lakad doon sa village pero malapit lang din doon ang lugar nila Tito Roberto kaya hindi niya magawa yung bagay na iyon. Kaya hanggang maaari ay makalayo siya sa bahay para hindi ma-stress sa kung ano ang ipapalusot niya kay Tito Roberto.Pagkatapos nung nangyari sa kanilang dalawa ni Vince, mas lalong naging mailap si Vince kay Sydney. Galit siya dahil sa nangyari. Pero hindi rin naman niya masisisi si Vince, dahil pinilit din ito na malagay sa ganitong sitwasyon. Kung meron lang siyang kakayahan na tumanggi at i-persuade ang mga magulang niya ay gagawin niya para lang hindi matuloy ang kasal nila noon. Pero wala, wala rin siyang laban.“Uy tulala ka jan!” tawag kay Sydney ni Lizzy sabay snap ng kamay niya. Napatingin naman si Sydney sa kaniya sabay napainom s

  • Dear Ex-husband, Look At Me Now   Chapter 4

    Nagising si Sydney na may sakit na nararamdaman sa buong katawan. Napatingin siya sa bintana at mukhang maliwanag na sa labas. Dahan-dahan niyang inangat ang katawan dahilan upang makita ang sarili rekta sa salamin na nakatayo sa gilid ng kama.Kita ang pulang mga marka na nagkalat sa leeg at sa dibdib ni Sydney. Doon sa kanya nanumbalik ang nangyari sa kanila ni Vince na ngayon ay wala na sa tabi niya. Napahinga na lang siya nang malalim at pinilit ang sarili na tumayo sa kama kahit na kumikirot pa ang gitnang parte.Kinuha niya ang bathrobe na nakasabit sa likod ng pinto at plano niyang lumabas ng kuwarto.Pagbukas ni Sydney ng pintuan ay napatigil siya nang makita si Vince na nakatayo doon at akmang hahawakan ang doorknob ngunit huli na dahil nabuksan na niya ito.“Buti naman gising ka na,” seryoso nitong sabi.Napalunok si Sydney at napatingin nang diretso sa mata ni Vince. Mukhang bumalik na ito sa dati nitong pagkatao, ang seryoso, malamig, at may galit na Vince.“Don’t give any

  • Dear Ex-husband, Look At Me Now   Chapter 3

    Dahan-dahan binabagtas ni Vince ang kamay niya mula sa bewang ni Sydney paakyat sa likuran nito habang mapusok ang binibigay niyang halik kay Sydney.Naramdaman ni Sydney na ipinasok ni Vince ang kamay nito sa loob ng damit niya at dahan-dahan iyong hinubad. Dahan-dahan siyang inihiga ni Vince sa kama habang patuloy pa rin sila sa paghahalikan.Damang-dama nila kung gaano sila kagutom at kung paano nila ginugusto ang mga nangyayari, dahil sa mga oras na ito mas lalong nagliliyab at umiinit ang kanilang tagpo. Hinawakan ni Sydney ang sando ni Vince at siya mismo ang nagtanggal noon. Bumungad kay Sydney ang malapad na dibdib at matitigas na braso ni Vince. Mas lalo siyang nag-init nang maglakbay ang mata niya pababa sa tiyan nito. Kitang-kita ang six pack abs nito lalo na ang buhok mula sa pusod pababa.Wala sa isip ni Sydney na darating sila sa ganitong pangyayari. Gusto niyang pigilan si Vince pero mismong katawan niya ang sumusuko rito.Hinawakan ni Vince ang kamay ni Sydney. Napalun

  • Dear Ex-husband, Look At Me Now   Chapter 2

    Tahimik si Sydney sa buong biyahe nila papunta sa mansyon ng mga Marquez. Hindi siya sinundo ni Vince kaya ang kapatid na lamang nitong si Victor ang sumundo sa kanya.Napakaraming sinasabi ni Victor, pero nag-a-agree na lang siya kahit na hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito. Hindi niya rin alam kung bakit sobrang wala siya sa focus sa mga oras na iyon.Nakatingin lang siya sa labas ng sasakyan ni Victor at pinagmamasdan ang tanawin patungo sa bahay nila."Hey, andito na tayo."Nagising na lang si Sydney sa ulirat niya at napatingin sa labas at tama nga si Victor, nasa harapan na sila ng bahay nila."Kanina ka pa tahimik," nakangiti niyang sambit."Sorry, marami lang din akong inisiip," wika ni Sydney kay Victor."Tungkol ba iyan sa kasal ninyo ni Vince?" tanong ni Victor sa kanya. Napakibit-balikat na lang si Sydney."Hindi ko rin alam, eh." Hindi niya masagot ang tanong ni Victor, hindi dahil hindi siya sigurado, pero dahil wala naman na talaga siyang maibibigay na sagot dito

  • Dear Ex-husband, Look At Me Now   Chapter 1

    Anim na taon ang lumipas at maraming nagbago sa buhay ni Sydney. Pitong taon simula nang maghiwalay sila ni Vince, anim taon simula nang mawala sa pangalan niya ang Marquez. Madami siyang sinakripisyo, at madami siyang napagdaanang sakit at pagsubok sa loob ng pitong taon. Pero hindi niya akalain na makakaya niya, na kaya niya pala na makawala sa nakaraan, na makawala sa sakit at multo ng kahapon.Iyon siguro ang epekto ng sakit na idinulot ni Vince, at ng paghihirap na dinanas ni Sydney sa taong magkasama sila. Ngunit ngayon, malaya na siya mula sa sakit at pamamalimos ng pag-ibig. Sa pagkakataong ito, siya naman muna.Kailangan niyang maging matatag, kasama ng dalawang dahilan kung bakit siya matatag, ang kaniyang kambal. Ang mga ito ang dahilan kung bakit siya bumabangon sa pang-araw-araw.Lumaki silang mabuti, masisipag, at mapagmahal, malayo sa ugali ni Vince. Ngunit kung titingnan, halatang anak sila ng isang Marquez, ang mga mata at labi nila ay kahawig ng kay Vince. Mabuti na

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status