LOGINTahimik si Sydney sa buong biyahe nila papunta sa mansyon ng mga Marquez. Hindi siya sinundo ni Vince kaya ang kapatid na lamang nitong si Victor ang sumundo sa kanya.
Napakaraming sinasabi ni Victor, pero nag-a-agree na lang siya kahit na hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito. Hindi niya rin alam kung bakit sobrang wala siya sa focus sa mga oras na iyon.
Nakatingin lang siya sa labas ng sasakyan ni Victor at pinagmamasdan ang tanawin patungo sa bahay nila.
"Hey, andito na tayo."
Nagising na lang si Sydney sa ulirat niya at napatingin sa labas at tama nga si Victor, nasa harapan na sila ng bahay nila.
"Kanina ka pa tahimik," nakangiti niyang sambit.
"Sorry, marami lang din akong inisiip," wika ni Sydney kay Victor.
"Tungkol ba iyan sa kasal ninyo ni Vince?" tanong ni Victor sa kanya. Napakibit-balikat na lang si Sydney.
"Hindi ko rin alam, eh." Hindi niya masagot ang tanong ni Victor, hindi dahil hindi siya sigurado, pero dahil wala naman na talaga siyang maibibigay na sagot dito. Ang parents niya na ang nag-decide sa kanya. Kahit naman tumutol siya ay wala ring makikinig.
Kung meron man siyang iniisip, siguro yung side ni Vince. Dahil alam niya na malaking gulo ang mangyayari sa oras na tumutol na talaga ito.
Pumasok na sila sa loob. Bawat hakbang ni Sydney ay puno'ng puno ng kaba ang puso niya. Hindi niya alam kung ano ba ang mangyayari sa buong oras na ito. Gusto niya nang umuwi at hindi na lang um-attend dito pero hindi niya naman magagawa iyon.
Pagpasok nila sa dining area, napatigil si Sydney dahil nandoon na si Vince. Nakasuot lang siya ng puting t-shirt at maong. Tahimik lang siyang nakaupo doon habang ang iba ay nag-uusap-usap.
"Buti andito na kayong dalawa. Sige na, maupo na kayo para makakain na tayo," ngiting sabi ni Tita Nelia. "Sydney, tumabi ka kay Vince para naman magkasundo kayong dalawa."
Napalunok naman si Sydney at napatingin kay Victor. Napangiti lang ito sa kanya sabay sinenyasan siya na lumapit kay Vince.
Napatingin naman si Sydney sa bahagi ni Vince na ngayon ay nakatingin na sa kanilang dalawa. Kita sa mga mata nito ang galit. Alam ni Sydney na dahil iyon sa suwestiyon ni Tita Nelia.
Naglakad-loob na lang siyang maglakad papunta sa tabi ni Vince at umupo sa tabi nito.
Ngayon ay nagsisimula na silang kumain. Silang lahat ay masaya habang silang dalawa ni Vince ay tahimik lang na kumakain. Walang kibuan at pansinan. Parang merong mataas na pader ang pumapagitna sa kanilang dalawa sa mga oras na iyon.
"About your wedding–"
"I have suggestion," napatigil si Tito Roberto dahil sa biglang pagsasalita ni Vince.
"Pumapayag ako sa kasalan namin ni Sydney, pero puwede ba kaming pumili kung saang country kami ikakasal?" mahinahon niyang sabi.
Napatingin naman si Sydney kay Vince dahil sa sinabi nito. Tumingin ito sa kanya sabay binigyan siya ng magandang ngiti. Dahan-dahan niya ring hinawakan ang kamay niya na nagpapahinga sa lamesa, kung saan kita ng lahat.
"Gusto ko meron kaming control ni Sydney sa kasal namin. I think that is the better idea para maging maganda ang samahan namin. Hindi po ba, Mom?" tanong ni Vince kay Tita Nelia.
Napatingin naman si Sydney sa kay Tita Nelia kung saan napatigil lang ito at tila nag-iisip.
"Yes, hon. I think it's a great idea for them," wika ni Tita Nelia.
"Then it's settled, it's up to the both of you," wika ni Tito Roberto. Napangiti naman si Vince bago niya hinigpitan ang hawak sa kamay ni Sydney, na para bang meron siyang gustong sabihin.
Matapos ang dinner, naisipan ni Sydney na lumabas muna para magpahangin. Hindi niya inaasahan na maabutan niya doon si Vince na naninigarilyo. Katulad pa rin ito nung kung paano niya ito nakita sa veranda nila.
Kung iisipin, nakakapagtaka yung pinapakita niyang act kanina. Bakit bigla na lang siyang pumayag sa gusto nila? Tapos maganda pa yung pinapakita niya sa akin kanina.
"Andito ka pala," matapang na tanong ni Sydney kay Vince. Napatigil ito sa paninigarilyo at napatingin sa kanya.
"Don't expect na tinatanggap kita," diin na sabi ni Vince. "Yung kanina, it's all an act."
Ano pa nga bang aasahan ni Sydney. Hindi niya alam kung bakit ba ito galit na galit sa kanya.
"Sa bansang may divorce," wika ni Vince sa kanya. "Doon tayo magpakasal, para kapag naghiwalay tayo, madali lang mapawalang-bisa ang kasal nating dalawa." Napatigil si Sydney dahil sa sinabi ni Vince.
"Let's follow what they want and entertain them. Then after that, puwede na tayong maghiwalay ganoon kadali. Hindi natin kailangan pakisamahan ang isa't isa o maging mabuti sa isa't isa," wika ni Vince sa kanya. "It is their business and we are their objects. Gagamitin kita para makapasok ako sa company, at ikaw, bahala ka kung ano'ng gusto mong gawin sa kasal natin. But don't expect na magkakasundo tayong dalawa, dahil hindi mangyayari iyon." Iyon lamang ang sinabi ni Vince kay Sydney at iniwan na niya ito doon.
Napapikit na lang si Sydney at napahinga nang malalim. "Kakayanin ko ba talaga ito?" tanong niya sa sarili.
Lumipas ang ilang araw. Naging busy sila sa paghahanda sa wedding, yung mga damit, venue at kung sino ang mga invited. Nagawa na rin nilang kumuha ng bahay na pag-stay-han nilang dalawa. Tama lang ang laki ng bahay, merong dalawang kuwarto at, as expected, magkahiwalay silang dalawa doon.
Madalas silang magkasama ni Vince dahil sa preparation pero wala naman silang kibuan sa isa't isa. Ginagawa niya ang sarili niyang trabaho at ginagawa rin ni Sydney ang kanya. Hindi rin sila kumakain ng sabay. Kapag katapos ng mga plano na pag-uusapan nila, aalis na si Vince at iiwan na siya. Pero kahit ganon, gusto niya si Vince.
"Ikaw na naman ang mag-isa?" tanong ni Lizzy kay Sydney. "Alam mo, hindi ko expected na ganon si Vince. Bakit hindi mo sabihin kina Tito Roberto?"
"Lizzy, hindi naman sila makikinig. Parang hindi mo naman kilala si Dad. Besides, hindi naman nila alam na ganon ang pakikitungo sa akin ni Vince. Ang alam nilang lahat, ayos kaming dalawa." Napakunot naman ang noo ni Lizzy dahil sa sinabi ni Sydney.
"Ano?! Tapos, okay lang sa iyo na ganito yung pakikutungo niya?" tanong ni Lizzy kay Sydney.
"Gusto ko talaga siya. Hindi ko alam kung bakit, pero meron kakaiba sa kanya. Hindi ko alam kung ano," wika ni Sydney kay Lizzy.
Napahinga na lang si Lizzy nang malalim sabay napakamot sa kaniyang ulo.
"Kung bakit kasi pinipilit ka pa nila Tito Roberto at Tita Nelia diyan. Basta kung merong hindi magandang mangyari, sabihan mo lang ako, okay?" sambit ni Lizzy kay Sydney. Napangiti si Sydney sa kanya sabay napatango-tango.
Dumating na yung araw ng kasal nilang dalawa. Expected, naging maganda ang event. Maganda rin yung pagkakalatag ng fake vows na kinopya lang nilang dalawa sa isang movie at higit sa lahat ang fake kiss na kailangan pa niyang gamitin ang hinlalaki niya para lang hindi magkadikit ang labi nilang dalawa.
Ngayon na tapos na tapos na ang kasal at reception, yung act nilang dalawa ay natapos na rin. Kasalukuyan si Sydney sa kuwarto at inaayos ang sarili.
Nasa iisang kuwarto lang silang dalawa ni Vince dahil ito ang ibinigay sa kanila ni Tito Roberto. Honeymoon daw nilang dalawa. But as expected, hindi naman nila gagawin iyon dahil andoon si Vince sa baba at nagpakalasing.
Napatingin na lang si Sydney sa salamin at tinignan ang sarili niya. Nakangiti siya, pero unti-unting nawala ang mga iyon. "Tama ba talaga ang pinasok ko?" tanong niya sa sarili niya.
Natigilan siya nang may narinig siyang kalabog sa labas ng kuwarto. Dali-dali siyang lumabas at hindi iniisip kung ano o sino ang may gawa ng kalabog na iyon.
Paglabas niya ay nakita niya si Vince na nakahawak lang sa lamesa habang ang upuan ay nakatumba na. Mukhang lasing na lasing ito at hindi na kinaya ang sarili.
"Vi-Vince," tawag ni Sydney kay Vince. Lumapit siya dito para tulungan ito, pero laking gulat niya na lang nang bigla nitong hinawakan ang bewang niya at hinatak papalapit sa kanya.
Napahawak na lang si Sydney sa kaniyang balikat habang nakatingin kay Vince. Yung matatalim nitong tingin sa kanya na parang tatagos hanggang buto niya. Yung mabibigat nitong hininga lalo na ang higpit ng hawak niya sa bewang niya ang mas nagpapalala ng sitwasyon nilang dalawa.
"La-lasing ka na, Vince." May kaba siyang nararamdaman, pero hindi niya pwedeng ipakita iyon dito. Pero wala itong sinabi at patuloy lang ang pakikipagtitigan sa kanya na para bang naglalaban silang dalawa sa isang paligsahan ng titigan.
Doon nasilayan ni Sydney ang brown nitong mga mata na para bang nangungusap. Yung mahahaba nitong pilik mata, yung matangos nitong ilong at mapupula nitong labi. Kakaiba ang kamandag ni Vince, para niya itong hinahatak papalapit sa kanya.
Dahan-dahan itong lumapit sa tenga niya at para bang may binulong. "Now that we are married, isa sa mga role mo bilang asawa ko ay ang paligayahin ako sa kama."
Nagising si Sydney na may sakit na nararamdaman sa buong katawan. Napatingin siya sa bintana at mukhang maliwanag na sa labas. Dahan-dahan niyang inangat ang katawan dahilan upang makita ang sarili rekta sa salamin na nakatayo sa gilid ng kama.Kita ang pulang mga marka na nagkalat sa leeg at sa dibdib ni Sydney. Doon sa kanya nanumbalik ang nangyari sa kanila ni Vince na ngayon ay wala na sa tabi niya. Napahinga na lang siya nang malalim at pinilit ang sarili na tumayo sa kama kahit na kumikirot pa ang gitnang parte.Kinuha niya ang bathrobe na nakasabit sa likod ng pinto at plano niyang lumabas ng kuwarto.Pagbukas ni Sydney ng pintuan ay napatigil siya nang makita si Vince na nakatayo doon at akmang hahawakan ang doorknob ngunit huli na dahil nabuksan na niya ito.“Buti naman gising ka na,” seryoso nitong sabi.Napalunok si Sydney at napatingin nang diretso sa mata ni Vince. Mukhang bumalik na ito sa dati nitong pagkatao, ang seryoso, malamig, at may galit na Vince.“Don’t give any
Dahan-dahan binabagtas ni Vince ang kamay niya mula sa bewang ni Sydney paakyat sa likuran nito habang mapusok ang binibigay niyang halik kay Sydney.Naramdaman ni Sydney na ipinasok ni Vince ang kamay nito sa loob ng damit niya at dahan-dahan iyong hinubad. Dahan-dahan siyang inihiga ni Vince sa kama habang patuloy pa rin sila sa paghahalikan.Damang-dama nila kung gaano sila kagutom at kung paano nila ginugusto ang mga nangyayari, dahil sa mga oras na ito mas lalong nagliliyab at umiinit ang kanilang tagpo. Hinawakan ni Sydney ang sando ni Vince at siya mismo ang nagtanggal noon. Bumungad kay Sydney ang malapad na dibdib at matitigas na braso ni Vince. Mas lalo siyang nag-init nang maglakbay ang mata niya pababa sa tiyan nito. Kitang-kita ang six pack abs nito lalo na ang buhok mula sa pusod pababa.Wala sa isip ni Sydney na darating sila sa ganitong pangyayari. Gusto niyang pigilan si Vince pero mismong katawan niya ang sumusuko rito.Hinawakan ni Vince ang kamay ni Sydney. Napalun
Tahimik si Sydney sa buong biyahe nila papunta sa mansyon ng mga Marquez. Hindi siya sinundo ni Vince kaya ang kapatid na lamang nitong si Victor ang sumundo sa kanya.Napakaraming sinasabi ni Victor, pero nag-a-agree na lang siya kahit na hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito. Hindi niya rin alam kung bakit sobrang wala siya sa focus sa mga oras na iyon.Nakatingin lang siya sa labas ng sasakyan ni Victor at pinagmamasdan ang tanawin patungo sa bahay nila."Hey, andito na tayo."Nagising na lang si Sydney sa ulirat niya at napatingin sa labas at tama nga si Victor, nasa harapan na sila ng bahay nila."Kanina ka pa tahimik," nakangiti niyang sambit."Sorry, marami lang din akong inisiip," wika ni Sydney kay Victor."Tungkol ba iyan sa kasal ninyo ni Vince?" tanong ni Victor sa kanya. Napakibit-balikat na lang si Sydney."Hindi ko rin alam, eh." Hindi niya masagot ang tanong ni Victor, hindi dahil hindi siya sigurado, pero dahil wala naman na talaga siyang maibibigay na sagot dito
Anim na taon ang lumipas at maraming nagbago sa buhay ni Sydney. Pitong taon simula nang maghiwalay sila ni Vince, anim taon simula nang mawala sa pangalan niya ang Marquez. Madami siyang sinakripisyo, at madami siyang napagdaanang sakit at pagsubok sa loob ng pitong taon. Pero hindi niya akalain na makakaya niya, na kaya niya pala na makawala sa nakaraan, na makawala sa sakit at multo ng kahapon.Iyon siguro ang epekto ng sakit na idinulot ni Vince, at ng paghihirap na dinanas ni Sydney sa taong magkasama sila. Ngunit ngayon, malaya na siya mula sa sakit at pamamalimos ng pag-ibig. Sa pagkakataong ito, siya naman muna.Kailangan niyang maging matatag, kasama ng dalawang dahilan kung bakit siya matatag, ang kaniyang kambal. Ang mga ito ang dahilan kung bakit siya bumabangon sa pang-araw-araw.Lumaki silang mabuti, masisipag, at mapagmahal, malayo sa ugali ni Vince. Ngunit kung titingnan, halatang anak sila ng isang Marquez, ang mga mata at labi nila ay kahawig ng kay Vince. Mabuti na

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





