“Nathan, matanda ka na pero ang tingin mo pa rin sa mundo mo umiikot ang lahat ng tao?” Mahina siyang tuwa na may pang-aasar. “Siguro dati ganon ako, sa iyo ko pinaiikot ang lahat pero iba na ngayon. Iba na ‘ko—binago mo ‘ko. At si Kayde, ‘yong lalaki na sinasabi mo na iiwan ako at katawan ang habol, sana nagresearch ka muna o tinanong ako kung ano ang nangyaayari.”“Pangalawa, hindi lang isa kundi paulit-ulit namin ginagawa ni Kayde ang tinutukoy mo.” Pagsisinungaling niya kahit dalawang beses lang may nangyari sa kanilang dalawa. “At nagsisi ka pa sa lagay na ‘yan ah? Siguro ngayon, nagsisi ka pero pagsinabi ng ina mo na i-date si ganito si ganyan hindi mo matanggihan kaya huwag ako, Nathan.”“Pangtalo, ayaw ko makipagbalikan sa iyo. Hindi ko gusto ang lalaki na katulad mo na parang aso, na nagtatago sa saya ng ina sa tuwing tumatakbo.” Ngumiti siya bago kinuha ang bag at iniwan ang cash sa mesa. “Ako na ang magbabayad, my treat.”Tumayo na siya, nag-umpisa maglakad pero bago pa mak
Huling Na-update : 2026-02-07 Magbasa pa