HINDI MAIPALIWANAG ang nararamdaman ni Bambi ng makita ang lumuluhang ina na sumalubong sa kaniya. Ilang taon siyang hindi nakauwi sa tahanan na kinalakihan niya, marami na ang nagbago maski ang pamumuhay ng ibang tao.“Anak, maraming salamat at nakauwi ka ngayong pasko.” Humihikbi na usal ng ginang habang mahigpit na akap siya. “Na-miss kita, anak ko.” dagdag pa nito.“Na-miss din po kita, ma.” Ani niya saka tinugon ang yakap ng ina. “Pasensya na po, natagalan ako na makabalik dito.”“Naiintindihan ko, ang importante ay andito ka na ngayon.” Humiwalay ng yakap ang ina, pinunasan ang luha sa mata saka tumaas ang tingin sa likuran niya—si Kayde.“Magandang araw po, ma. Kayde Aleata, boyfriend po ni Bambi at future in laws niyo.” Sabay mano. Hindi mawawala ang pagiging sigurado sa sariling pagpapakilala ni Kayde. Hindi na siya umaasa na mawawala ang pagiging mahangin nito—nakakasigurado din siya na inborn na ito sa binata.“Mabuti nakasama ka rin dito, hijo.” Malaki ang ngiti ng ina.In
Huling Na-update : 2026-02-07 Magbasa pa