MASAKIT ang puson ni Bambi nang magising siya dahil sa buwanan na dalaw. Ito ang pangalawang araw, kompara sa nakaraang buwan ay triple ang sakit na kaniyang nararamdaman at mas gugustuhin na lang mahiga sa kama sa apartment niya buong araw. Ang kaso, dukha siya, kailangan pumasok saa trabaho kaht masakit ang puson.Hindi na lang ako mag-oovertime, aniya sa srili. Sinubukan niyang bumangon at dali-daling napaudausdos paupo sa kama ng kumirot ang puson. “Bakit ba ganito ‘to kasakit?!” Kahit masakit, pinilit niyang tumayo at uminom ng gamut para sa sakit ng puson. Hindi niya sinasanay ang katawan sa gamut pero ibang level na ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Pakiramdam ni Bambi, kahit anong oras ay bigla na lang siyang matutumba at mawawalan ng ulirat sa sakit ng puson niya.Pagtapos niyang uminom ng gamot, naghanda na siya sa pagpasok at lumabas sa apartment para pumasok sa trabaho. Nang makababa sa building, sinalubong siya ni Kayde na nakasandal sa sasakyan na naghihintay sa
Read more