MALAKAS ang kabog at puno ng kaba ang dibdib ni Bambi habang nakatingin sa apat na matandang nag-uusap-usap sa magkaharapan na sofa habang pinagigitnaan ang kinauupuan nila ng binata. Ito ang unang beses na nakita niya ang magulang ni Kayde, hindi na bago sa kaniya ang nalaman na mayaman ang binata ngunit di niya akalain na kumikinang ang ina nito sa dami ng alahas.“Alam niyo, balae, kung ako lang ay kahit ngayon mismo ay papayag akong ikasal sila pero hindi ba’t hindi natin desisyon ang bagay na ‘to kundi sa kanilang dalawa?” Bumaling ang tingin ni Dessy, ang ina ni Kayde sa kinauupuan nilang dalawa. “Gusto niyo na ba pasukin ang buhay mag-asawa? Sigurado na ba kayo sa isa’t isa?”Tumnago si Kayde. “Hindi ko kayo iistorbohin kung hindi ako sigurado, ma.” sabay ngumiti.“Ikaw, Bambi?” Baling ng ginang sa kaniya.Kagat ang ibabang labi, ilang segundong hindi nakasagot si Bambi. “Kung usapang kasiguraduhan, sigurado na po ako kay Kayde pero sa usapang kasalan—gusto ko pero hindi po nga
Huling Na-update : 2026-02-07 Magbasa pa