KIARA“Good Morning,” bati niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya sabay binigyan siya ng halik sa kaniyang labi.“Good morning.” wika ko pabalik sa kaniya. “Meron ka bang gustong kainin?” tanong niya sa akin. “Iluluto ko.” Napaisip naman ako sa sinabi niya. Parang hindi ko na rin alam kung ano ang kakainin ko dahil parang lahat naman ay binigay niya sa akin. “Mhh, hindi ko rin alam eh. Parang lahat naman ng dish mo natikman ko na.” napangiti naman siya sabay napabangon sa pagkakahiga. “Sige mamalengke muna ako para makabili ako ng mga pwede kong lutuin.” napatigil naman ako ng marinig ko iyon. Hindi ko alam kung bakit pero parang meron akong kakaibang naramdaman sa mga oras na iyon. “Bakit ka pa mamalengke, ang dami naman nating stock ng pagkain d’yan.” “Kasi, parang lahat naman ata natikman mo na. Kaya nga bibili ako ng mga bagong ingredients.” nakangiti niyang sabi. “Huwag na, baka mamaya matagal ka na naman.” Napangiti naman siya sa akin sabay hinawakan ang mukha ako at
Última actualización : 2026-01-14 Leer más