KIARA“I know what you’re doing…” napatigil ako dahil sa sinabi niya. “Ano ba ang akala mo hindi ko alam na meron kayong plano ng dad mo?” napalunok ako dahil sa sinabi niya sa akin. “Kung sa tingin mo mapapapunta mo ako sa mental, doon ka nagkakamali, dahil hindi ko gagawin iyon. Kung sa tingin mo, makikita mo pa si Noah, pwes doon ka rin nagkakamali dahil wala ka ng Noah na makikita.” Lumapit siya sa akin at tinignan ako ng seryoso. “Hindi mo na mababago ang kapalaran mo, ako na mismo ang gumawa ng paraan no’n. Kung akala mo mauutakan mo ako, pwes doon ka nagkakamali. Hindi mo ako mauutakan. Kaya matutuloy ang kasal sa kagustuhan ko at hindi mo na mapipigilan iyon.” Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. Para akong nahuli sa akto dahil sa sinabi niya. How does she know about it? Pero paano niya nalaman ang lahat ng bagay na iyon, malayo na iyon. Alam ko na walang nakasunod sa amin ni Cedric. “Akala mo makakawala ka sa akin, pinagkalulo ka rin ng tatay mo. Siya ang nagsabi ng
Last Updated : 2026-01-23 Read more