KIARA“Masakit pa ba?” tanong niya sa akin. Napalunok naman ako sabay napangiti sa kaniya at napailing-iling. “Medjo lang, sariwa pa kasi yung sugat,” mahinahon kong sabi. Agad naman niya akong dinala sa couch sabay kumuha ng first aid kit niya. Napatingin lang ako sa mukha niya na seryoso talaga sa ginagawa niya. “Alam mo… you’re really strong.” Nagtaka ako dahil sa sinabi niya sa akin. “Ang lalim ng sugat mo, pero hindi mo man lang nagawang umiyak.” nakangiti niyang sabi. Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. “Ganon na ba ang basehan ngayon ng pagiging matapang, yung hindi umiiyak?” tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin dahil sa sinabi ko. “Meron kasing isang taong nagsabi sa akin, na okay lang daw ilabas ko yung mga luha ko, na okay lang na umiyak ako. Hindi naman daw iyon kahinaan, sadyang nilalabas ko lang daw yung pressure na nararamdaman ko sa loob ko, para makayanan ko ulit lumaban.” wika ko sa kaniya. Napangiti naman siya sabay pinagpatuloy ang ginagawa
Last Updated : 2026-01-30 Read more