RALPH SANTIAGO:Kasalukuyan siyang nakaupo sa loob ng kaniyang silid, nakasandal sa gilid ng kama habang mahigpit na nakahawak sa kaniyang noo.Pakiramdam niya ay sasabog na ang kaniyang ulo sa dami ng problemang sabay-sabay na dumating.Nagkamali siya... Malaking pagkakamali ang pagdadala kay Nikita sa sarili niyang bahay.Noong mga nakaraang taon, maingat siyang bumuo ng imahe bilang isang respetado at matagumpay na negosyante. Iyon ang pagkakakilala sa kaniya ng mga tao. Iyon din ang alam ng kaniyang mga katulong at mga empleyado.Isa lamang siyang ordinaryong businessman, Isang lalaking may pera, impluwensya, at magandang reputasyon. Ngunit ngayon... lahat ng iyon ay unti-unti nang gumuho.Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa salamin. Hindi niya halos makilala ang kanyang sarili. Kailan ba nagsimula ang lahat? Kailan siya naging ganito?Mula sa isang negosyante... naging isang taong nagtangkang pumatay, naging kidnapper, naging kriminal... at an
Read more