“Nikita, wait!”Napapikit siya nang mariin. Alam niyang hindi siya makakatakas. Bumilis ang kanyang hakbang, pilit tinatakasan ang boses na tila kumakapit sa kanya… pero mas mabilis si Kieran. Ilang segundo lang ang lumipas, naramdaman niyang malapit na ito, at bago pa siya tuluyang makalayo, naabutan na siya.“Uuwi ka na agad?” tanong nito, bahagyang hinihingal ngunit may halong pag-aalala sa boses. “Hindi pa tapos ang activity.”Huminto siya, ngunit hindi siya lumingon agad. Pinipigilan niyang ipakita ang inis na kumukulo sa loob niya.“Naiinis ako,” diretsahan niyang sagot, saka siya dahan-dahang humarap. “May nantri-trip sa akin. Una, kissing booth… tapos wedding booth naman?! Ano ’to, trip nila akong gawing katatawanan?”Ngumiti si Kieran, isang ngiting tila hindi sineseryoso ang kanyang nararamdaman, na lalo lamang nagpa-init ng ulo niya.“Okay lang ’yon,” kaswal nitong sagot. “Para naman sa fundraising.”“Hindi funny, Kieran!” asik niya, halos pasigaw. Ramdam niya ang pamumuo n
Last Updated : 2026-04-02 Read more