Hindi niya maitatangging marami silang pinagdaanan ng kanyang anak. Mula nang mawala ang kanyang asawa, si Nikita na lamang ang naging mundo niya. At siya rin ang naging mundo ng anak niya."Hindi ko kayang mawala ka sa akin, Dad," umiiyak nitong sabi. "Akala ko mamamatay ka nang barilin ka ni Ralph."Napatungo si Wesley. Sa unang pagkakataon ay nakita niya kung gaano katindi ang takot na pinagdaanan ni Nikita habang siya ay walang malay."Pero anak..."Marami pa sana siyang gustong sabihin. Gusto niyang itanong kung bakit nagpasya ito nang hindi man lang siya kinonsulta.Kung nagkataong hindi siya nawalan ng malay sa loob ng ilang araw, malamang ay hindi siya pumayag na dalhin siya sa America. Wala siyang kamalay-malay na nailipad na pala siya palabas ng bansa. Ni hindi man lang siya nakapagpaalam."I'm sure alam mo na rin ang tungkol sa relasyon nina Vivian at Ralph, Dad," muling sabi ni Nikita. "I'm sure, sinabi na rin iyon sa inyo ni Kieran, hindi ba? Kaya nga nang komprontahin ko
Magbasa pa