LOGINSi Nikita Madrigal ay isang international model at flight stewardess na tumira sa America matapos maghiwalay ang kanyang mga magulang. Doon niya unti-unting binuo ang kanyang buhay. Ngunit isang tawag mula sa kanyang ama ang muling gugulo sa tahimik niyang mundo. Pinapauwi siya sa Pilipinas dahil muling itong magpapakasal. Isang simpleng pakiusap… pero alam niyang magdadala sa kanya sa isang kapalarang hindi niya inaasahan. Sa kanyang pagbabalik, muli niyang makakaharap ang lalaking minsan niyang itinago sa kanyang puso. Ang ultimate love niyang si... Kieran Del Toro. Si Kieran Del Toro ay hindi lamang isang matagumpay na CEO ng Del Toro Aviation, isa rin itong piloto na sanay kontrolin ang lahat… kasama na doon ang puso niya. Sa muling pagtatagpo nila, muling mabubuhay ang mga alaala, ang mga tanong na matagal nang naiwan, at ang tensyong hindi kailanman nawala. Ngunit tila sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil ang babaeng pakakasalan ng kanyang ama… ay siya mismong ina ni Kieran. Isang bubong… Isang tahanan… Isang bawal na damdamin. Paano kung ang dating simpleng paghanga ay mauwi sa isang mapanganib na pagnanasa? Paano kung ang puso ay tuluyang mahulog… sa taong hindi na niya dapat mahalin? At sa ilalim ng iisang bubong… hanggang saan nila kayang pigilan ang sarili? At kung dumating ang sandaling kailangan nilang pumili... pamilya o pag-ibig... Handa ba silang sirain ang lahat para sa isa’t isa?
View MoreHindi naman nagtagal ay muli nang bumalik si Elara sa sofa kung saan ito natutulog. Pero sa halip na makaramdam siya ng ginhawa, lalo lang hindi mapakali si Nikita.Ilang beses siyang nagpalit ng posisyon sa pagkakahiga. Minsan ay humaharap siya sa kabilang panig, saka muling tatalikod. Pero kahit anong gawin niya, tila ayaw siyang dalawin ng antok.Sa tuwing pipikit siya, ang mukha ni Elara ang sumasagi sa kaniyang isipan. Mas lalo na ang aninong nakita niya sa likod ng kurtina kanina. Hindi niya maalis sa isip ang kakaibang pakiramdam na tila may kung anong hindi tama sa babaeng iyon.Napabuntong-hininga siya at mariing ipinikit ang mga mata. Pero ano nga ba ang kinatatakutan niya? Wala naman siyang nakitang aktuwal na ginawa ni Elara para saktan siya. Bukod pa roon, naroon si Kieran sa kaniyang tabi. Kung may mangyari man, hindi naman siguro siya nito pababayaan.Baka naman ako lang ang gumagawa ng problema sa isip ko, sa wakas ay naisip niya.Marahil ay dala lang iyon ng pagod at
Ilang sandali silang nagtitigan. Sa huli ay marahang hinawakan ni Kieran ang kamay niya, pero hindi agad gumanti ng hawak si Nikita.Hindi niya gustong palakihin ang usapan. Ayaw rin niyang maging dahilan para lalo pang mabalisa si Elara, na malinaw namang hindi pa nakakabawi sa takot na pinagdaanan nito.Pero hindi rin niya kayang magkunwaring ayos lang ang lahat. Minsan, hindi naman talaga ang mismong desisyon ang pinagmumulan ng tampuhan. Kundi ang pakiramdam na hindi man lang siya isinama sa pagdedesisyon. At ngayong gabi, iyon mismo ang naramdaman niya.Hindi siya nasaktan dahil pinili ni Kieran na tulungan si Elara. Nasaktan siya dahil sa isang iglap, tila nakalimutan ng nobyo na mayroon din siyang boses, damdamin, at karapatang magtakda ng hangganan sa sarili nilang relasyon.Dahan-dahan niyang binawi ang kaniyang kamay at inayos ang unan sa kama."Let's just get some sleep," malamig niyang sabi."Niks...""Please, Kieran. Ayoko nang makipagtalo."Napabuntong-hininga ang lalaki
Samantala, tila hindi naman napansin ni Elara ang pagkainis niya. O baka naman napansin nito pero pinili lang na huwag pansinin. Sa halip na magpatuloy sa paghingi ng paumanhin, tumayo ito at naglakad patungo sa sofa. Doon ay maingat nitong inilapag ang unan at inayos ang maliit na puwestong tutulugan."Don't worry," nakangiting sabi nito habang lumilingon sa magkasintahan. "Hindi ako naghihilik, at hindi rin ako maingay. Matulog lang kayo diyan na parang wala ako. You won't even notice I'm here."Pagkasabi niyon ay umupo na ito sa sofa at muling niyakap ang unan.Hindi na sumagot si Nikita. Ngumiti lang siya nang pilit, bagaman sa loob-loob niya ay gusto na niyang tumili sa sobrang pagkadismaya. You won't even notice I'm here? Paano niya hindi mapapansin ang presensiya nito gayong sa mismong silid nila ito matutulog?At paano siya magiging komportable kung sa tuwing titingin siya sa paligid ay maaalala niyang may ibang babaeng naroroon, ilang hakbang lang ang layo mula sa kanilang ka
Halos hindi makapaniwala si Nikita sa kaniyang narinig. Nanlaki ang kaniyang mga mata at ilang sandali siyang natigilan, tila sinusubukang tiyakin kung tama ba ang pagkakarinig niya. Baka naman nagbibiro lang si Kieran. Baka may iba itong ibig sabihin.Pero nang makita niya ang seryosong ekspresyon ng nobyo, tuluyan nang naglaho ang pag-asang iyon."What?" mariin niyang bulalas. Did he just say that?Hindi niya napigilang mapataas ang boses. Hindi lang dahil sa desisyong ginawa ni Kieran, kundi dahil tila hindi man lang nito naisip na konsultahin siya bago magpasya tungkol sa kanilang private space. Silid nila iyon, silid na dapat ay lugar ng kanilang pahinga, katahimikan, at mga sandaling sila lang ang magkasama. At ngayon, basta na lang nitong ipinasiya na may ibang babaeng makikitulog doon?"Kieran, are you out of your mind?" Hindi makapaniwalang napailing siya. "You're actually going to let her sleep in our bedroom? In OUR bedroom?""Niks, it's just for one night," mahinahong sago
Napatingin siya sa lalaki. Hindi niya alam na marami palang nakakakilala sa kanya... lalo na si Kieran, tinawag siya nito sa kanyang pangalan kanina.Pagdating nila sa wedding booth ay ganoon na lang ang kanyang pagkagulat nang doon din si Kieran at tila may hinihintay.“Bro, here’s your bride.”“H
Napadilat siya nang marinig ang bulong ni Kieran. Napahiya siya dahil nakaawang pa ang kanyang mga labi, as if she wanted more. Hindi niya napansin na tapos na pala siyang halikan nito.“Get off me!" Tinulak niya ito palayo, pero parang walang nangyari, ni hindi ito gumalaw sa kinatatayuan.“Bakit
FLASHBACK FIVE YEARS AGO (Fourth Year High School):“Kiss! Kiss! Kiss!”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nikita Valencia nang kunin ang kanyang piring sa mata. Nasa loob siya ng kissing booth, at ang kanyang kaharap ay walang iba kundi si Kieran Del Toro!Si Kieran ay ang kanyang long-time c
NIKITA MAGDRIGAL POV: "Keiran..." Halos pabulong na anas niya habang ang hininga ay naghahabol sa bawat dampi ng labi ng lalaki. "Yes, wifey? Masarap ba, hmmm?" malat na tanong ni Keiran. Ang boses nito ay parang humahaplos sa kanyang pandinig, mapanukso at puno ng pag-uudyok. "Baka... baka may












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore