Nora“Sign this,” malamig na sabi ni Asher sabay lapag ng isang older sa tabi ko. Nanghihina ang pakiramdam ko na para bang nauupos na kandila. Bakit niya ako pinapipirma?Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Nakatayo siya sa tabi ni Corrine, magkalapit, parang iisang kampo. Base sa amoy ng antiseptic, sa puting ilaw sa kisame, at sa mahinang tunog ng makina sa paligid, agad kong napagtanto—nasa hospital ako. Idagdag pa ang pagkakahiga ko at sa kamay ko na may swero.Dinampot ko ang folder, mabigat hindi lang sa kamay kundi pati sa dibdib. Nang buksan ko iyon, bumungad sa akin ang mga pahina ng dokumento. Malabo man ang mga letra dahil tila umiikot ang paningin ko, malinaw pa rin ang naka-bold at all caps na nakapwesto sa itaas ng papel, parang sentensyang ipinapataw sa isang taong wala nang kalaban-laban.DIVORCE AGREEMENTNanikip ang dibdib ko.Nakahiga ako sa hospital bed, masakit ang buong katawan, may mga karayom na nakakabit sa akin—pero heto si Asher, kalmado, maayos ang postura
Last Updated : 2026-01-28 Read more