Unti-unting bumalik ang ulirat ni Arah. Mabigat pa rin ang talukap ng kanyang mga mata kaya nanatili muna siyang nakapikit. May naririnig siyang nag-uusap malapit sa kanya. “..wala kang dapat ipag-alala, Mr. Salazar. Based on the ultrasound, your girlfriend is about five to six weeks pregnant. Normal lang ang nahihilo o nawawalan ng malay sa mga nagbubuntis. Epekto yan ng hormonal changes. So far, everything looks good. Pero masyado pang maaga ang pagbubuntis niya kaya mahalagang magpaschedule siya agad sa OB parasa prenatal checkups” “I’ll arrange it.” tugon ni Renz. “Stable naman ang vital signs niya. So, anumang oras ay magigising na siya.” wika ng doktor. “Sige, maiwan ko na kayo.” “Salamat, doc.” wika ni Renz. Nang makaalis ang doktor ay may nagsalita. “Congratulations, Renz.” boses ng isang babaeng hindi pamilyar kay Arah. Agad siyang nagmulat ng mata upang makita kung kaninong boses yun. At nang makita niya yung babae ay parang sasamaan na naman yata siya ng lasa. Dahil
Last Updated : 2026-07-31 Read more