“Kanina pa tanong nang tanong ang mga yan kung dumating na ba si Senyorito. Mga delulu. Akala mo naman eh papansinin sila nung tao.” bulong ni Mila. “Malay mo naman, mapansin. Maganda naman sila ah.” sabi ko. “Sayang lang effort nila. Lalo na yang si Rita.” ani Mila na ang tinutukoy ay si Rita na sa office nagtatrabaho pero hindi sa Hacienda nakatira. “Sayang lang effort nila. Suplado si Senyorito. Noong dito pa siya nakatira, lagi ko siyang nakikita. Ibang iba siya kumpara kay Senyora na mabait at palangiti. At sa gwapong yun, siguradong mataas ang standard nun. Kaya nga hindi ko na siya pinagpantasyahan, dahil alam kong imposible... Saka, may Tinoy nako.” ani Jing saka bumungisngis. Nahinto kami sa pag-uusap ng matanaw namin si Senyora. Simple lang naman ang suot nito pero elegante pa rin. At kahit 50 na ay napakaganda pa rin. “Si Senyora..,” sambit ni Jing tapos ay tumingin sa akin. “Andeng, bigay na natin yung regalo natin.” “Maya na lang, mukhang may kausap pa.” tugon ko ha
최신 업데이트 : 2026-10-05 더 보기