SUZZETE"Hinga lang po ng malalim, wag kabahan, sandali lang po ito Lola," malumanay kong sabi sa pasyenteng kailangan lagyan ng IV.Mababa ang pain tolerance nito dala na rin ng edad, ayaw magpalagay nito ang kaso'y hindi naman pupwedeng hindi."Miss, dahan-dahan lang baka mapaano si Lola baka matusok mo maling ugat!" sabat naman ng anak ng pasyente kaya lihim akong napatiim bagang.Ang mga guardian talaga marunong pa sa may alam, sa tagal ko nang ginagawa ito'y imposibleng magkamali pa ako."Janice, alam ng nurse ang ginagawa niya," saway ni Lola, may edad na rin ang anak niya hindi nagpapanlayo sa edad ng magulang ko.Hindi na ako nagsalita baka ano lang ang masabi ko, maingat kong hinanapan ng ugat ang matanda, at nang itutusok ko na ang karayom nagsalita na naman ang anak."Kapag iyan hindi mo inayos, Miss makikita mo!" sinigawan ako nito, malakas na ang boses kumpara kanina.Ang akala ng mga ganitong tao, porque nagbabayad sila sa mamahaling hospital nabili na rin nila pati kami
Last Updated : 2026-01-12 Read more