SUZZETEKumuha ako ng lakas ng loob bago pa man ako pumasok ng trabaho hanggang nandito na nga ako pero napanghihinaan pa rin ako kung paano ko ba siya kakausapin?Hindi ko siya nakita kaninang maaga raw nag-sagawa ng operation sa isang patient na may brain tumor, kaya nag-tungo muna ako sa banyo pagka-break ko, humarap ako sa salamin at pinakatitigan ang mukha ko, sinubukan ko munang mag-practice na kunwari kaharap ko na siya."Kairos, pwede ka makausap?" Umiiling-iling pa ako. "Kairos, may oras ka ba? Usap tayo?" Para akong sirang nageensayo ng linya ko para magmukang casual, at para hindi ganoon kabigat ang bungad ko.Nakailang ulit pa ako pero hindi ko makuha ng tama! Paano ko bang uumpisahan gayon pinapangunahan ako ng kaba sa sasabihin at iisipin niya? Maiintindihan niya naman siguro, hindi ba?Pero alam kong madidismaya siya dahil hindi pa siya nakaka-isang linggo ng panliligaw, ito babastedin ko na agad, pero hindi ba mas mabuti?As early as possible nang hindi na siya umasa,
Last Updated : 2026-01-17 Read more