Ralia POVSinubukan kong tawagan si Madison Clarkson—ang BFF kong matagal ko nang hindi nakakausap at nakikita. Pero alam kong kapag inaya ko siyang lumabas, game siya agad.Dahil sa pag-goodnight ni Guison na may pangalang Madison, hindi ko rin maiwasang isipin na baka siya. Pero, umaasa akong hindi, kasi kung malaman kong siya nga, grabe, hindi ko na alam kung anong magagawa ko.Nung ayain ko siyang mag-coffee kaninang umaga, sumagot naman siya agad. Dapat may photoshoot daw siya ngayong araw, pero dahil nag-aya ako, ica-cancel niya dahil miss na niya ako.Kaya, heto, nakagayak na ako. Nag-ayos ako, kasi sikat na artista ang makakasama ko. Sa totoo lang, nakaka-miss ‘yung mga araw na palagi kaming lumalabas. ‘Yung tipong naka-disguise kami nang malala, kasi kapag lalabas kami, palagi kaming pinagkakaguluhan. At dati, ako pa ang mas sikat. Siya ‘yung parang support character lang. Pero ngayon, heto, dahil nag-asawa na ako, nawala ako sa spotlight. Siya na ang number one. Siya na ang
Terakhir Diperbarui : 2025-12-24 Baca selengkapnya