Ralia POVTinapik ako ni Aleron, kaya nagising na ako.“Nandito na tayo sa Tagaytay,” sabi niya, habang nakangiti sa akin.Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. hindi na pala galing sa aircon ang lamig, kundi sa labas na dahil nakabukas ang bintana.Lumabas na ako habang naghihikab pa. May suot akong cap at shades, kasi nga, trending ang vlog ni Aleron, so, matunog na ulit sa mga tao ang pangalan ko. Ganoon din si Aleron na ngayon ay nakasuot ng jacket na may hood.Malamig ang hangin, presko. Nakaka-miss din dito, matagal-tagal na nung huling punta ko rito.Naglakad ako papunta sa gilid ng viewing deck, habang tanaw ang Taal Lake.Napakaganda pa rin talaga ng taal lake, sobra.Kalmado ang tubig, parang salamin na sumasalamin sa langit. May mga ulap na mabagal na gumalaw. Napaisip ako—ganito sana ang buhay palagi, kalmado at palaging maganda. Kaya lang, minsan, parang bulkan din ako, nag-aalburuto kapag tinatarantado ni Guison.“Okay ka lang?” tanong ni Aleron sa likod ko.Napaling
Terakhir Diperbarui : 2026-01-05 Baca selengkapnya