Ralia POVNagpahatid ako sa manisyon namin. “Gusto mo bang sumama sa loob?” alok ko kay Aleron.“Puwede ba?” tanong din niya.Tumango ako. “Wala namang problema,” sagot ko, saka ko na binuksan ang pinto ng sasakyan. “Sumunod ka sa akin. Papakilala na rin kita sa parents ko. For sure ay kilala ka dahil trending ang short film natin. Bukod doon, sikat na sikat ang contract signing natin kanina, kaya imposibleng hindi ka pa nila makilala.”Tumango na lang si Aleron, pero halatang nahihiya na parang kinakabahan. Pagbaba namin sa sasakyan, agad akong nakilala ng isang staff ng manisyon namin.“Magandang hapon po, Madam Ralia!” bati ng kasambahay, yumuko pa ito sa akin. Napansin kong nilipat niya agad ang tingin sa kasama kong si Aleron, nagulat pa ito, pero halatang fan na siya ni Aleron. Kumikinang ang mga mata, e.“Nasaan si Mama Mia at Papa Anwir?” tanong ko agad sa kaniya.“Wala si Papa Anwir mo, madam, pero ang mama mo po ay nasa kuwarto niya, nagbabasa ng libro,” sagot ng kasambahay.
Terakhir Diperbarui : 2026-01-19 Baca selengkapnya