Ralia POVPagpasok ko pa lang sa maliit na milktea-han na may kasamang pizza place sa kabilang side, agad kong nakita si Aleron. Nasa pinakadulo siya, sa bandang sulok kung saan hindi masyadong dumadaan ang mga tao. Pareho pa kaming naka-face mask, parang dalawang kriminal na nagtatago, pero wala kaming choice. Ganito ang buhay namin, masaya pero palihim.“Ang aga mo,” sabi ko, habang tumatawa sa likod ng face mask ko.Hinila niya palabas ang upuan sa harap niya. “Ayoko kasing naghihintay ka,” sagot niya. Kahit may mask siya, ramdam ko ang pagngiti sa boses niya. “Tsaka para makasilip ako kung ligtas ang paligid.”Umupo ako at agad kong tinanggal ang face mask. Mabuti na lang, wala talagang masyadong tao. Siguro dahil weekday, at late afternoon pa lang. Ilang estudyante at dalawang magkasintahan lang ang nandoon.“Tanggalin mo na rin,” bulong ko.Tinanggal na rin niya ang facemask niya.“Ang guwapo mo talaga,” pang-uuto ko sa kaniya.“Maganda ka rin, sobra,” pagbawi naman niya. Kaya
Terakhir Diperbarui : 2025-12-12 Baca selengkapnya