Pag-upo ko sa waiting area ng ospital, parang umiikot ang paligid. Mas malamig kaysa sa aircon, pero mas mainit naman kung ikukumpara sa nararamdaman ko. Nang tawagin ng receptionist ang pangalan ko, parang nanginginig ang tuhod ko habang binabaybay ang daanan papasok sa maliit at pribadong kwarto.“Good morning,” bati ng doctor. Isa itong babae na blonde ang buhok. May mga salamin na bilog, na tila nagsilbing harang sa magagandang mga mata nito. “How can I help you today?”“Good morning, Doc… I'm Delancy,” napakagat ako sa labi ko, habang ang mga kamay ay kusang napabalot sa tiyan. “I’m afraid to say this, but I think I am pregnant?”Hindi ko alam kung bakit parang bumigat ang hininga ko nang marinig ko ang mga salitang pinilit kong ibigkas. Parang may inaamin akong kasalanang pilit kong tinatakpan.Ngumiti ang doctor, mahinahon. May kakaibang klase ng pagkakalmang namumutawi sa mga labi nito. “Don’t you think it is my job to figure that out?” Ngumiti siya ulit. “Let’s confirm. Humig
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-12 อ่านเพิ่มเติม