แชร์

Chapter 2

ผู้เขียน: MOEWWW
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-12-12 09:26:02

Pag-upo ko sa waiting area ng ospital, parang umiikot ang paligid. Mas malamig kaysa sa aircon, pero mas mainit naman kung ikukumpara sa nararamdaman ko. Nang tawagin ng receptionist ang pangalan ko, parang nanginginig ang tuhod ko habang binabaybay ang daanan papasok sa maliit at pribadong kwarto.

“Good morning,” bati ng doctor. Isa itong babae na blonde ang buhok. May mga salamin na bilog, na tila nagsilbing harang sa magagandang mga mata nito. “How can I help you today?”

“Good morning, Doc… I'm Delancy,” napakagat ako sa labi ko, habang ang mga kamay ay kusang napabalot sa tiyan. “I’m afraid to say this, but I think I am pregnant?”

Hindi ko alam kung bakit parang bumigat ang hininga ko nang marinig ko ang mga salitang pinilit kong ibigkas. Parang may inaamin akong kasalanang pilit kong tinatakpan.

Ngumiti ang doctor, mahinahon. May kakaibang klase ng pagkakalmang namumutawi sa mga labi nito. “Don’t you think it is my job to figure that out?” Ngumiti siya ulit. “Let’s confirm. Humiga ka muna, Delancy.”

Sumunod ako. At nang umandar ang ultrasound, nang marinig ko ang mahina na tunog mula sa speaker, nang makita ko ang maliit na bilog sa screen… may kumurot sa puso ko. 

“Congratulations,” saad ng doctor na parang tuwang-tuwa sa balitang nasaksihan. “You’re expecting. Tama nga ang hinala mo.”

Napapikit ako. Wala akong ideya kung dapat ba akong matuwa o matakot.

Muling binalikan ng doctor ang monitor screen. Dinaanan niya ako ng panandaliang tingin bago binahing ang atensiyon sa akin. 

“Delancy…” dagdag niya “sa tingin ko ay hindi lang isa ang magiging anak mo.”

Biglang nanlamig ang buo kong katawan sa mga narinig.

“D-Dalawa?” hula ko at halos paos kong tanong. 

“Yes. You’re pregnant with twins.”

Para akong natulala at hindi agad nakasagot. Twins. Dalawang buhay ang dala-dala ko ngayon mula sa isang one-night stand.

“We’ll take care of you,” sabi ng doctor na puno ng galak. “But you’ll need support. Are you married? Will the father be able to make it here today?”

Dahan-dahan akong pumikit at bumitaw ng isang malalim ng buntong-hininga. “Yes… was married. Pero…” Napalunok ako. “Hiwalay na kami ngayon." At hindi rin siya ang ama ng kambal.

Pero hindi ko naman pwedeng sabihin iyon. Ayaw kong mahugsahan ng mga tao dahil sa pagkakamali ko. Ayaw kong pag-usapan ako.

Sa nagdaang mga araw at linggo ay pilit kong kinakalimutan ang gabing iyon. Pero ngayon nag-iwan pa siya ng souvenir sa sinapupunan ko, at dalawa pa. Paano ako ngayon makakalimot.

Matapos kong lumabas ng clinic ay tumungo ako sa bar ni Ayen. Naabutan ko siyang abala sa pag briefing sa mga bagong hired na server, pero nang pumasok ako sa loob ay huminto siya at agad na lumapit sa akin.

"Anong sabi ng doktor?" malumanay niyang tanong habang inaakay ako papunta sa opisina niya.

Pagod akong ngumiti sa kanya. "Buntis nga ako," pag-amin ko. "Hindi lang isang bata... kundi dalawa."

Namilog ang mga mata niya at tumingin sa tiyan ko. "You're pregnant with twins?!"

"Ang magpalaki ng isang bata ay sobrang hirap na. Paano ko papalakihin mag-isa ang dalawa?" mangiyak-ngiyak kong tanong at napasuklay na lamang ng buhok ko.

Agad na hinaplos ni Ayen ang likuran ko para damayan ako. "Delancy, hindi ka nag-iisa. Narito ako, kasama mo ako. Ano pa at naging kaibigan mo ako kung hindi naman kita matutulungan?"

Nag-angat ako ng tingin kay Ayen at niyakap siya, hindi ko maitago ang takot sa aking mga mata.

"Kung gusto mo, pwede tayong manirahan sa bahay namin doon sa Canada. Malayo sa pamilya De Luca," suhesyon pa ni Ayen.

Doon ako napabitaw sa kanya sa pagkakayakap. Balak ko umalis ng bansa at doon palakihin ang mga kambal. Balak ko rin maghanap nag trabaho ang lumalaki sila.

"Ayen, kung aalis ka, paano itong bar mo? Hindi ba't pinaglaban mo itong passion mo dahil ayaw mong maghandle ng negosyo niyo roon sa Canada?"

Nginitian niya ako at hinawakan ang mga kamay ko. "Kikita ang bar kahit wala ako rito. Pwede rin ako magpabalik-balik ng bansa kahit kailan ko gusto. Ang importante... ikaw ang ang mga bata sa sinapupunan mo."

Hindi naging madali ang mga sumunod na araw. Lalong gumulo ang buhay ko nang nagsimula ang proseso ng annulment namin ni Greyson. Nag-file siya ng full custody demand sa mga ari-arian namin, sinisisi ako sa pagkasira ng relasyon kahit alam niyang hindi ako ang unang sumira nito.

Habang mahimbing akong nakahiga sa aking kama, may biglang pumasok na mesahe sa inbox ko. Mula iyon sa attorney ni Greyson.

“We need to finalize your absence in the country. Greyson wants a clean break.”

“Clean break?” bulong ko sa sarili. “Pagkatapos niya akong ipagpalit at lokohin? Siya pa ngayon ay may ganang maghanap ng clean break?”

Ang kapal din ng mukha ng lalaking iyon.

Pero hindi na ako nakipagtalo. Hindi na ako ulit naghabol pa. Hindi ko na ibababa pa ang sarili ko para sa kanya. Kahit ang replyan ang mensaheng natanggap ko ay hindi ko na rin ginawa.

Bagkus, nagtext ako kay Ayen na pumapayag na ako na pumunta kami ng Canada.

Ang pagbubuntis ng kambal ay hindi naging madali. Nang manganak ako, ang panganay kong babae na si Deia ay lumabas na malakas at maingay, parang ipinapaalam sa buong mundo na narito na siya.

Pero ang bunso kong lalaki, si Dansel, ay halos hindi makaiyak. Mahina ang paghinga niya. Dinala siya agad sa NICU, at parang may naghiwa sa dibdib ko habang pinapanood ko siyang nakahiga sa incubator, napakaliit at napakasensitibo.

Para akong nabiyak sa dalawang bahagi. Ang isang bata na kayang ngumiti sa akin, at ang isa pang halos hindi ko mahawakan sa sobrang pagiging sakitin.

"Dansel..." tumutulo ang mga luha kong bulalas. Hindi ko kayang matingnan ng matagal ang kaawa-awa kong anak.

"Delancy, magiging okay si Dansel. Hindi siya mawawala sa atin," pag-aalon sa akin ni Ayen habang nakahawak sa balikat ko. "Naniniwala ako na magiging malakas din siya."

"We'll do everything for him, Delancy. Huwag kang umiyak. Nararamdaman ng bata ang lungkot mo kaya hindi rin siya mapalagay," wika ng mommy ni Ayen sa gilid namin. Katulad ni Ayen ay mabait din sa akin ang mga magulang niya. Itinuring nila ako na parang isang anak. Sila rin halos ang gumagastos sa pagbubuntis ko at alam kong isa iyong napakalaking utang na loob.

Pagkalipas ng limang taon, kitang-kita na ang naging pagkakaiba ng paglaki ng dalawang anak ko.

Habang si Deia ay mabilis tumakbo at hindi nauubusan ng lakas, si Dansel ay laging dahan-dahan, laging may kailangan bantayan. Doon ko lalong naramdaman na kahit ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin tapos ang hirap na kailangan naming pagdaanan.

"Halos wala man lang silang nakuha sa itsura mo," mahinang natawa si Ayen sa tabi ko. 

Naroon kami ng hapon na iyon sa isang park para magpahangin.

Pinagmasdan ko ang kambal. Totoong halos lahat ay hindi nila nakuha sa akin. Ang mga mata nila ay asul, samantala ang akin naman ay brown. Kulot din ang mga buhok, pero bata pa lang ako ay tuwid na ang buhok ko.

"Unti-unti na rin silang nagtatanong kung nasaan ang Daddy nila," halos pabulong kong saad. "Hindi ko na alam ang isasagot sa susunod dahil nauubusan na ako ng dahilan."

"Matalino ang mga anak mo, Delancy. Maiintindihan nila kung sasabihin mo ang totoo," sagot ni Ayen. "Mahal na mahal ka nila kaya wala kang dapat ikatakot kung malaman man nila na hindi mo kilala ang ama nila."

"Mommy!"

Sabay kaming napahinto ni Ayen nang marinig ang malakas na sigaw ni Deia.

Paglingon ko, nakita ko si Dansel na nakahandusay sa lupa, parang natanggalan ng kulay ang buong paligid. Mabilis akong tumakbo ako papunta sa kanya, nanginginig ang kamay habang niyuyugyog ko siya.

"Dansel, wake up! Anak, gumising ka! Dansel!" taranta kong tawag sa kanya.

Hindi siya kumilos kaya binuhat ko siya at itinakbo namin sa ospital.

Halos wala akong marinig sa paligid. Ang lahat ng tunog ay parang lumulubog sa tubig. Tinitingnan ko lang si Dansel na nakahiga, nakakabit sa mga machines, at pilit kong pinipigilan ang kamay ko sa panginginig.

At kung inakala kong masakit na ang makita ang anak na natumba at nasaktan, may isasakit pa pala ito.

“Your son needs a bone marrow transplant,” sabi ng doctor habang pinipisil ang papel sa kamay niya.

Parang may sumabog na kulog sa tenga ko.

“Doc? Are you sure? Is it really that serious? Maybe you ran the tests wrong. Maybe there’s a mistake somewhere. There has to be a mistake!”

“Miss,” malumanay niyang sagot, “I’m not mistaken. We need to find an immediate match for your son. Parents are usually the first to be tested.”

Napaluhod ako, halos hindi makahinga. Ramdam ko ang hapdi sa lalamunan ko habang inuulit sa isip ang sinabi niya.

Matapos marinig yon, agad akong nagpa-test isang oras ang nakalipas. Literal na nanginginig ang mga tuhod ko habang hinihintay ang resulta. Hindi ako tumigil sa dasal. Hindi ako tumigil sa bulong na sana, kahit ngayon naman, makisama ang tadhana.

Pero nang dumating ang resulta...

“I’m sorry. You’re not a compatible match.”

Parang may bumaon sa dibdib ko, mabigat at hindi matanggal.

“But I'm here mother. How can I not compatible to be his donor?” mahina kong bulong, ni hindi ko alam kung narinig nila.

Huminga nang malalim ang doctor. “Our next option is the biological father.”

Tumigil ang mundo ko. Para akong tinanggalan ng lakas.

Ang ama ng kambal. Ang lalaking hindi ko naman kilala.

Ang lalaking nilayuan ko. Ang lalaking ang tanging naiwan sa memorya ko ay ang tattoo niyang dragon sa likod.

Walang masakit na salita ang pwedeng tumapat sa gabing yon. Umiiyak kong niyakap si Dansel, hinahaplos ang buhok niya habang unti-unting humihina ang iyak ko sa balikat niya.

“Mommy’s here, baby. Hindi kita iiwan. Hindi ako susuko,” bulong ko habang pilit kong kinakalma ang sarili.

Hindi ako pwedeng mawalan ng anak dahil ikakamatay ko iyon. Sina Deai at Dansel ang buhay ko.

Kaya kahit masakit bumalik, kahit nakakahiya, kahit posibleng makita ko pa si Greyson na may ibang asawa o ibang buhay na matagal nang wala akong parte… nagpasya akong bumalik sa Pilipinas.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Pregnant With My Tattoo Ex-husband’s Uncle   Chapter 4

    Kakacheck-in lang namin sa hotel at umakyat na kami sa 27th floor kung saan ang room na nakadestino sa amin. Habang naglalakad sa lobby, isa sa mga kwarto na aming nadaanan ang may ingay na nakakuha sa aking atensiyon. “I know what I'm doing. And this has nothing to do with the company. Alam ko ang ginagawa ko at hindi ko hahayaang diktahan mo ulit ako.” Wala na sana akong balak na pansinin iyon, pero sa sunod niyang sinabi ay napatigil ako."Tell them, that I... Ares De Luca will not allowed to be their partners. Mas kailangan nila ako kaysa sa kailangan ko sila."Ares De Luca!Narito rin siya sa hotel.Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng hotel room namin at tinulak doon papasok si Deia. Mabuti na lamang at nakaheadphone siya, nakikinig ng music kaya hindi niya narinig ang boses ni Ares.Kung bakit ba naman kasi sa kakaiwas ko sa pamilyang De Luca ay mas lalo lang ako napapalapit.Nagising ako nang mas maaga kaysa sa alarm kinabukasan ng umaga, pero mabigat ang katawan ko na pa

  • Pregnant With My Tattoo Ex-husband’s Uncle   Chapter 3

    Pagbaba namin ng eroplano, tumatakbo si Deia sa unahan, kagaya ng lagi niyang ginagawa. Si Dansel naman ay naka-kulong sa braso ko, mahinang nakasandal sa balikat ko.“Mommy, are we here?” tila ba excited na tanong ni Deia sa akin. "Ang sabi mo ay dito ang totoo mong home, I'm so excited to visit a lot of places!"Napakagat ako sa labi. “Yes, baby. This is where mommy born and raise.” Hindi alam ng kambal ang totoong rason kung bakit kami narito. Ang alam lang nila ay narito kami para magbakasyon.Nauna kaming umuwi ng Pilipinas. Sa susunod na araw ay dadating din si Ayen para samahan ako maghanap ng kung ano mang lead tungkol sa ama ng kambal.Hinawakan ko ang kamay ni Deia, pero bago ko pa masabi ang “Stay beside me,” tumakbo na siya sa unahan.“Baby, no! Deia!” sigaw ko.Hinabol ko siya, pero nawala siya sa paningin ko dahil sa dami ng tao.“Deia!” Napahigpit ang hawak ko kay Dansel habang lumalakas ang kaba ko.Isang airport staff ang kumaway mula sa may glass partition. Ang laka

  • Pregnant With My Tattoo Ex-husband’s Uncle   Chapter 2

    Pag-upo ko sa waiting area ng ospital, parang umiikot ang paligid. Mas malamig kaysa sa aircon, pero mas mainit naman kung ikukumpara sa nararamdaman ko. Nang tawagin ng receptionist ang pangalan ko, parang nanginginig ang tuhod ko habang binabaybay ang daanan papasok sa maliit at pribadong kwarto.“Good morning,” bati ng doctor. Isa itong babae na blonde ang buhok. May mga salamin na bilog, na tila nagsilbing harang sa magagandang mga mata nito. “How can I help you today?”“Good morning, Doc… I'm Delancy,” napakagat ako sa labi ko, habang ang mga kamay ay kusang napabalot sa tiyan. “I’m afraid to say this, but I think I am pregnant?”Hindi ko alam kung bakit parang bumigat ang hininga ko nang marinig ko ang mga salitang pinilit kong ibigkas. Parang may inaamin akong kasalanang pilit kong tinatakpan.Ngumiti ang doctor, mahinahon. May kakaibang klase ng pagkakalmang namumutawi sa mga labi nito. “Don’t you think it is my job to figure that out?” Ngumiti siya ulit. “Let’s confirm. Humig

  • Pregnant With My Tattoo Ex-husband’s Uncle   Chapter 1

    "Hmmm..." impit na ungol ko.May parang kung anong mainit at mabigat na naglalaro sa aking sikmura. Pakiramdam ko ay para akong hinihila ng alon patungo sa init at dumadating na sa puntong hindi ko na maalala kung paano at saan ako nagsimulang mawala.Ang tanging malinaw lang ay ang bigat ng hininga ng estrangherong lalaking nasa ibabaw ko, ang naghahalong amoy ng alak at sigarilyo sa bawat buntong-hininga niya."Just tell me if you want me to stop," pabulong niyang saad."D-Don't! Huwag... kang hihinto," tugon ko, halos hindi ko makilala ang sarili kong boses.Gusto kong ibaon sa limot sa mga sandaling iyon ang sakit na nararamdaman ko, kahit pansamantala lamang.Mas lalo pang ibinuka ng lalaki ang mga hita ko habang kinakaibabawan niya ako. And without warning, bigla na lamang niyang ipinasok ang matigas niyang alaga sa loob ko.Napasinghap ako sa sakit. "M-Masakit! Dahan-dahan lang!" nakangiwi kong pakiusap sa kanya."You're virgin?!" gulat niyang tanong at biglang huminto sa pag-u

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status