แชร์

Chapter 3

ผู้เขียน: MOEWWW
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-12-12 09:49:59

Pagbaba namin ng eroplano, tumatakbo si Deia sa unahan, kagaya ng lagi niyang ginagawa. Si Dansel naman ay naka-kulong sa braso ko, mahinang nakasandal sa balikat ko.

“Mommy, are we here?” tila ba excited na tanong ni Deia sa akin. "Ang sabi mo ay dito ang totoo mong home, I'm so excited to visit a lot of places!"

Napakagat ako sa labi. “Yes, baby. This is where mommy born and raise.” 

Hindi alam ng kambal ang totoong rason kung bakit kami narito. Ang alam lang nila ay narito kami para magbakasyon.

Nauna kaming umuwi ng Pilipinas. Sa susunod na araw ay dadating din si Ayen para samahan ako maghanap ng kung ano mang lead tungkol sa ama ng kambal.

Hinawakan ko ang kamay ni Deia, pero bago ko pa masabi ang “Stay beside me,” tumakbo na siya sa unahan.

“Baby, no! Deia!” sigaw ko.

Hinabol ko siya, pero nawala siya sa paningin ko dahil sa dami ng tao.

“Deia!” Napahigpit ang hawak ko kay Dansel habang lumalakas ang kaba ko.

Isang airport staff ang kumaway mula sa may glass partition. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko kaya halos natapilok ako sa pagmamadali. Magaan si Dansel pero ang bigat ng responsibilidad na hawak ko, parang bawat hakbang ko ay paglaban sa pagpanaw ng mundo.

Paglapit ko, agad siyang tumuro sa unahan.

“Ma’am, that is your daughter, right? She’s over there.” Sinamahan ako ng isa sa mga staff para tuntunin kung nasaan ang aking anak. 

Nang matagpuan ko siya, bigla na lang ako tumigil. Hindi dahil pagod kundi dahil ang buong katawan ko ay parang nag-shut down. 

Si Deia.

Nakangiti habang ngumunguya ng marshmallow na parang hindi siya nababahalang mawala sa gitna ng napakalaking airport. Pinagmasdan ko siyang mabuti at doon ko napagtanto na nakahawak siya sa kamay ng isang lalaki.

Isang matangkad na lalaki na naka-black long sleeves na mukhang hindi nagagamit ang salitang “casual.” May presensya siyang hindi ko mapaglalarawan nang tama. May lamig, may higpit, may klaseng tensyon na parang hindi mo gustong tawirin. Hindi siya mukhang masungit, mas mukhang hindi siya nasasanay makihalubilo.

Pero ang mata niya... katulad na katulad ng mata ng kambal kong anak.

“Mommy!” sigaw ni Deai, parang wala akong halos atake sa puso kanina.

“Baby…” halos humagulgol ako habang niyayakap siya nang mahigpit. “Huwag mo nang uulitin yun. Please. Don’t run off like that.”

Tumingin siya sa akin na parang ako pa ang overaction.

“Mommy, don’t look at me like that please. I’m totally fine. This man right here helped me,” sabi niya sabay turo sa lalaki. “I was lost, and he found me. And look. He even gave me candy.”

“Anak, hindi ka dapat nakikipag-usap sa mga stranger—”

“Don’t worry. I’m not a stranger,” putol ng lalaki sa sasabihin ko, bahagyang nakataas ang isa niyang kilay.

Napalingon ako sa kanya, at doon ko pa mas nakita siyang mabuti. May lalim ang mga mata niya, parang may hinahawakan siyang hindi niya sinasabi. Sharp ang features, pero walang kahit anong lambing sa mukha.

Sa presensya niya, ang unang pumasok sa isip ko, this is not a man you want to owe anything to.

“Salamat,” mahina kong sabi sa boses ko na halos nanginginig. “Di ko alam anong mangyayari kung hindi mo siya nakita.”

Hindi siya ngumiti. Tumango lang siya nang konti, pero hindi niya ako tinignan nang diretso, kay Deai siya nakatingin. Parang aliw na aliw sa anak ko.

“Sir… are you busy?” nakacross ang mga kamay na tanong ni Deia.

Napasinghap ako at mahinang pinalo ang braso ni Deai para suwayin siya.

“I’m sorry?” Mahinang natawa ang lalaki kay Deai.

“Are you busy?” ulit ni Deia. “I am just wondering if you would want to be my new daddy.”

Kung pwede lang akong lumubog sa sahig, ginawa ko na. Sumirit ang dugo ko pataas, parang gusto kong mahimatay na lang sa kahihiyan. Ano ba naman itong pinagsasasabi ng anak ko.

“Deia!” halos mapasigaw ako. “Don’t say things like that!”

Pero wala siyang pakialam sa akin. Wala. Nakatitig siya sa lalaki na parang naghahanap siya ng sagot na matagal na niyang gusto marinig.

Samantala, nakangiti ang lalaki. Napatitig ako sa kanya nang matagal. Parang... pamilyar siya sa akin. Parang nagkita na kami noon, pero hindi ko alam kung saan at kailan.

“You want me to be your father?” nakangiting tanong ng lalaki kay Deia.

“Yes,” proud na saad ng anak ko. “Because you helped me. And you look like you could pass as my daddy. I think you can protect me, my brother, and of course my mommy.”

Hindi ko alam kung dapat ba akong mapahiya o matakot o matawa sa kalokohan ng anak ko. Pero ang salitang protect, yun ang bumulaga sa akin. Talagang naghahanap ang mga anak ko ng kalinga ng isang ama.

“Because you know, mommy said daddy left us,” bulong ni Deai, at doon ako napangiwi. “So maybe you can be our daddy instead. You can protect us, right?” 

Para akong sinampal. Pero bago ako makapagpaliwanag ay sumingit siya. 

“What’s your name?” tanong ng lalaki.

“Deia!” proud ulit.

Nanlalim ang paningin ng lalaki sa mga narinig. Halos hindi gumalaw ang mukha niya, pero nakita ko ang bahagyang pagtigas kaniyang panga at ang bahagyang paglalim ng tingin.

“You look so beautiful. Your face reminds me of someone very close to me.” Napatingin siya sa mukha ng aking anak.

Nanginginig ang boses ko nang sumingit. “Okay that’s enough now. We need to go.” I looked the man in front of me straight to the eyes. “Thank you, again. Now, if you’ll excuse us.”

Tumingin siya kay Dansel na nakayakap pa rin sa akin, mahina, maputla.

“How about you, young guy? What's your name?” muli niyang tanong na para bang hindi niya narinig ang sabi ko. 

“Dansel, sir,” matipid namang sagot ng isa ko pang anak. 

Muling hinawakan ng anak ko ang kamay niya at inanyayahang maging “daddy.”

“Why is your child here wanting me so badly to become her father?” Pa-casual niyang tanong na tumama sa akin. 

Hindi ako makasagot. Ayaw kumilos ng bibig ko.

“It's none of your business. And besides, hindi ito ang lugar—”

Napatingin ako sa parehong direksiyon na para bang napapraning na baka may ibang makarinig sa amin. Sa ganitong lugar na tila hindi mahulugang karayom sa dami ng tao, ang pinakahuling bagay na nais kong nangyari ay malaman ng tao ang kwento ng buhay namin ng mga anak ko. 

“I—it’s complicated. Please, huwag ka na lang makialam.”

Hindi siya sumagot. Tumingin lang kay Deia na parang sinusukat ang buong pagkatao niya. 

At bago pa niya bitawan, mas lalo pang kumapit ang anak ko. “Please be my daddy…” mahina at may pakiusap nitong saad na parang may pusong nasugatan.

Pero ang lalaki… tumigil. Para bang tumila ang oras sa pagitan naming dalawa. 

At bago ko pa siya matanong, bigla niyang tinuro si Dansel. “How about you, little fella. Do you also want me to be your father?” Napangiti ito na parang inaakit ang anak ko. 

Tinitigan lang ito ni Dansel. Walang imik itong umirap. Sabi ko na nga ba, wala siyang interes hindi katulad ng kaniyang kapatid. Baka sa mga mata nito ang kagustuhan na makalaya na mula sa mga paningin ng lalaking hindi niya naman kakilala. 

Tumalikod na ang lalaki at iniwan kami.

Pero bago siya lumayo, bago mawala ang presensya niyang nagpapakipot ng baga ko.

“See you when I see you,  Daddy Ares!" malakas na sigaw ni Deia sa kanya.

Huminto ang lalaki at nakangiting sumaludo kay Deia.

His smile really look so familiar.

Ares....

May parang kung ano na biglang kumalansing sa utak ko. Nagbaba ako ng tingin kay Deia na hindi pa rin inaalis ang ngiti sa mga labi kahit nakaalis na ang lalaking iyon.

"What's his name again?" curious kong tanong.

"He said he's Ares. Ares De Luca," tugon ni Deia.

Napasinghap ako sa gulat. De Luca. Isa siyang De Luca. At ang nag-iisang Ares De Luca na kilala ko ay Uncle ni Greyson. 

Madalang lamang makita si Ares De Luca sa publiko. Siya ang may hawak ng mga negosyo ng pamilya De Luca, pero sa loob ng ilang taon naming mag-asawa ni Greyson noon, hindi ko pa siya nakita. Tanging ang larawan lang niya sa family picture ng mga De Luca ang nakikita ko.

Napulunok ako at muling binalingan ang lumalayong lalaki. Kakabalik ko lang ng Pilipinas at isang De Luca pa ang unang nakasalubong ko.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Pregnant With My Tattoo Ex-husband’s Uncle   Chapter 4

    Kakacheck-in lang namin sa hotel at umakyat na kami sa 27th floor kung saan ang room na nakadestino sa amin. Habang naglalakad sa lobby, isa sa mga kwarto na aming nadaanan ang may ingay na nakakuha sa aking atensiyon. “I know what I'm doing. And this has nothing to do with the company. Alam ko ang ginagawa ko at hindi ko hahayaang diktahan mo ulit ako.” Wala na sana akong balak na pansinin iyon, pero sa sunod niyang sinabi ay napatigil ako."Tell them, that I... Ares De Luca will not allowed to be their partners. Mas kailangan nila ako kaysa sa kailangan ko sila."Ares De Luca!Narito rin siya sa hotel.Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng hotel room namin at tinulak doon papasok si Deia. Mabuti na lamang at nakaheadphone siya, nakikinig ng music kaya hindi niya narinig ang boses ni Ares.Kung bakit ba naman kasi sa kakaiwas ko sa pamilyang De Luca ay mas lalo lang ako napapalapit.Nagising ako nang mas maaga kaysa sa alarm kinabukasan ng umaga, pero mabigat ang katawan ko na pa

  • Pregnant With My Tattoo Ex-husband’s Uncle   Chapter 3

    Pagbaba namin ng eroplano, tumatakbo si Deia sa unahan, kagaya ng lagi niyang ginagawa. Si Dansel naman ay naka-kulong sa braso ko, mahinang nakasandal sa balikat ko.“Mommy, are we here?” tila ba excited na tanong ni Deia sa akin. "Ang sabi mo ay dito ang totoo mong home, I'm so excited to visit a lot of places!"Napakagat ako sa labi. “Yes, baby. This is where mommy born and raise.” Hindi alam ng kambal ang totoong rason kung bakit kami narito. Ang alam lang nila ay narito kami para magbakasyon.Nauna kaming umuwi ng Pilipinas. Sa susunod na araw ay dadating din si Ayen para samahan ako maghanap ng kung ano mang lead tungkol sa ama ng kambal.Hinawakan ko ang kamay ni Deia, pero bago ko pa masabi ang “Stay beside me,” tumakbo na siya sa unahan.“Baby, no! Deia!” sigaw ko.Hinabol ko siya, pero nawala siya sa paningin ko dahil sa dami ng tao.“Deia!” Napahigpit ang hawak ko kay Dansel habang lumalakas ang kaba ko.Isang airport staff ang kumaway mula sa may glass partition. Ang laka

  • Pregnant With My Tattoo Ex-husband’s Uncle   Chapter 2

    Pag-upo ko sa waiting area ng ospital, parang umiikot ang paligid. Mas malamig kaysa sa aircon, pero mas mainit naman kung ikukumpara sa nararamdaman ko. Nang tawagin ng receptionist ang pangalan ko, parang nanginginig ang tuhod ko habang binabaybay ang daanan papasok sa maliit at pribadong kwarto.“Good morning,” bati ng doctor. Isa itong babae na blonde ang buhok. May mga salamin na bilog, na tila nagsilbing harang sa magagandang mga mata nito. “How can I help you today?”“Good morning, Doc… I'm Delancy,” napakagat ako sa labi ko, habang ang mga kamay ay kusang napabalot sa tiyan. “I’m afraid to say this, but I think I am pregnant?”Hindi ko alam kung bakit parang bumigat ang hininga ko nang marinig ko ang mga salitang pinilit kong ibigkas. Parang may inaamin akong kasalanang pilit kong tinatakpan.Ngumiti ang doctor, mahinahon. May kakaibang klase ng pagkakalmang namumutawi sa mga labi nito. “Don’t you think it is my job to figure that out?” Ngumiti siya ulit. “Let’s confirm. Humig

  • Pregnant With My Tattoo Ex-husband’s Uncle   Chapter 1

    "Hmmm..." impit na ungol ko.May parang kung anong mainit at mabigat na naglalaro sa aking sikmura. Pakiramdam ko ay para akong hinihila ng alon patungo sa init at dumadating na sa puntong hindi ko na maalala kung paano at saan ako nagsimulang mawala.Ang tanging malinaw lang ay ang bigat ng hininga ng estrangherong lalaking nasa ibabaw ko, ang naghahalong amoy ng alak at sigarilyo sa bawat buntong-hininga niya."Just tell me if you want me to stop," pabulong niyang saad."D-Don't! Huwag... kang hihinto," tugon ko, halos hindi ko makilala ang sarili kong boses.Gusto kong ibaon sa limot sa mga sandaling iyon ang sakit na nararamdaman ko, kahit pansamantala lamang.Mas lalo pang ibinuka ng lalaki ang mga hita ko habang kinakaibabawan niya ako. And without warning, bigla na lamang niyang ipinasok ang matigas niyang alaga sa loob ko.Napasinghap ako sa sakit. "M-Masakit! Dahan-dahan lang!" nakangiwi kong pakiusap sa kanya."You're virgin?!" gulat niyang tanong at biglang huminto sa pag-u

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status