Vanessa Habang nagmamaneho ako papunta sa opisina ni Don George Elizalde, biglang tumunog ang phone ko. Si Charlotte ang tumatawag. Nang sagutin ko ito, nagulat ako sa ibinalita niya nasa opisina na raw si Don George at lumabas na ang resulta ng paternity test. Napatunayan na mag-ama sila!Sa sobrang gulat ko, biglang napa-preno ako at nag-park sa isang gilid ng kalsada."Talaga?!" tanong ko na halos hindi makapaniwala."Oo, Vanessa! At ngayon, sure na magagamot na si Tita Olga," sagot ni Charlotte sa kabilang linya. "Kaso lang, gusto ni Don George na sa mansion na niya titira ang pinsan ko.""Ha? Bakit naman doon?" tanong ko sana, pero mabilis siyang sumagot."Siguro para magkakilala sila mag-ama ng mabuti. O sige, may sinasabi 'yung nurse, tatawag ulit ako mamaya." Tapos ay pinatay na niya ang tawag.Napahinga ako nang malalim at ibinagsak ang ulo ko sa manibela. Lalo lang akong nainis. Mas gusto ko na magkabalikan kami ni Christopher ngayon, dahil anak pala siya ng isang billionai
Last Updated : 2026-11-01 Read more