เข้าสู่ระบบCHRISTOPHERHabang hawak ko pa rin ang kopya ng DNA test result na nagpapatunay na ako nga ang tunay na anak ni Don George, pakiramdam ko ay umiikot ang buong paligid ko. Is this real? Anak talaga ako ng bilyonaryong si George?Subalit sa kabila ng biglaang pagbabago sa buhay ko, may mas malalim at mas komplikadong gumugulo sa isip ko. Kahit kailan, hindi ko inakalang ganito kabilis magbabago ang lahat.Kanina lang, galing ako sa matinding emosyon dahil sa pag-amin ko ng damdamin kay Paula isang sandaling nagpabilis sa tibok ng dibdib ko dahil sa wakas ay nailabas ko ang nasa loob ko. Pero ngayon, habang nakatayo ako rito at nakatingin kay Cassandra, ang asawa ng papa ko, ang puso ko ay parang lalabas na sa sobrang lakas ng kabog.What is happening to me? Bakit ganito kalakas ang reaksiyon ko sa kaniya? pabulong kong tanong sa sarili ko habang lihim na napapalunok.Hindi ko matanggal ang tingin ko kay Cassandra. Sinuot niya ang titulong “stepmother” ko sa isang iglap lang. Pero paano
GEORGEHabang naglalakad kami sa kahabaan ng tahimik na hallway, hindi ko maiwasang patagong pagmasdan ang bawat kilos ng binatang kasama namin.May kakaibang pitik sa dibdib ko sa tuwing tumitingin ako sa kaniya isang matinding lukso ng dugo na hindi ko maipaliwanag nang maayos.Deep inside, even before seeing any official document, I was already sure. May bahagi ng sarili ko na nakikitang-nakikita ko sa kaniya: ang paraan ng paglakad niya, ang hugis ng kaniyang panga, at maging ang kaniyang tindig.A subtle sense of joy and profound satisfaction began to creep into my heart. At my age and status, knowing that I might actually have a son walking beside me gave me an undeniable thrill.Subalit sa kabila ng natatagong kagalakang iyon, may gumagapang ding hindi komportableng pakiramdam sa aking sistema.Nang huminto kami sandali sa tapat ng elevator, napansin ko ang mabilis na palitan ng tingin sa pagitan nila ni Cassandra. It wasn't explicit, but there was a distinct tension between th
CASSANDRAMabigat ang pakiramdam ko nang pumasok si George sa silid at dahan-dahang binuksan ang pinto. Agad kong napansin ang mukha niyapagod, gulong-gulo, at halatang may problema. Hindi na ako nagtanong pa at hinintay kung ano ang sasabihin niya.Lumapit siya sa akin at seryosong nagsalita. "Cassandra, pwede mo ba akong samahan. Pupunta tayo sa ospital."Nagulat ako. "Sa ospital? Bakit, George? May nangyari ba?"Huminga siya nang malalim bago sumagot. "Kailangan nating alamin ang totoo. Pupuntahan natin ang sinasabing anak ko na si Christopher para makilala na natin siya, tapos kailangan din nating tingnan ang lagay ni Olga.""Sige," sagot ko habang hinahawakan ang kamay niya para palakasin ang loob niya. "Sasamahan kita."Habang nasa biyahe kami patungong ospital, halos walang kumibo sa aming dalawa. Tahimik lang siyang nagmamaneho habang mahigpit ang hawak sa manibela. Alam kong marami ring tumatakbo sa isip niya ang kaba kung totoo bang anak niya si Christopher.Pagdating namin
KLEAHindi ko maipaliwanag ang matinding inis na unti-unting lumalaganap sa aking dibdib habang nakatitig ako sa dalawang taong nakaupo sa malamig na bench ng ospital.Nakatitig ako sa mga kamay nina Christopher at Paula. Magkahawak pa rin ang mga ito, mahigpit, na para bang wala nang ibang tao sa buong paligid nila. Ang mga daliri ni Paula ay nakasiklop sa mga daliri ni Chris, habang marahan niyang hinahaplos ang balikat nito upang magbigay ng kaginhawaan. Bawat haplos, bawat pabulong ni Paula kay Christopher ay tila mga karayom na dahan-dahang tumutusok sa aking puso.Lihim akong napakagat-labi. Naiinis ako. Hindi—mas angkop na sabihing nagseselos ako.Bakit sa kabila ng lahat ng ginawa ko ngayon, ang mga mata pa rin ni Christopher ay nakatutok kay Paula?Inilabas ko ang aking credit card nang walang alinlangan. Ako ang nagbayad ng napakalaking down payment sa billing section para lang masigurong maipapasok agad si Olga sa operating room. Ako ang gumawa ng paraan dahil wala pang tul
CHRISTOPHERHabang naglalakad kami sa pasilyo ng ospital, naramdaman kong nanginginig ang mga kamay ni Paula."Christopher... sigurado ka ba rito?" mahinang tanong ni Paula habang nakatitig sa mga kamay naming magkahawak. "Panigurado, napakaraming itatanong sina Charlotte at Tita Klea sa atin.""I'm sure, Paula," sagot ko habang mas hinigpitan pa ang hawak sa kanya. "Huwag kang matakot."Nang makarating kami sa tapat ng ICU, agad kaming naabutan nina Charlotte at Tita Klea. Napahinto ang dalawa at tumingin sa aming mga kamay. Nanlaki ang mga mata ni Charlotte habang si Tita Klea naman ay halatang nagulat at naguluhan."Christopher? Paula?" gulat na tawag ni Charlotte."Ano ‘yan Christopher?" sunod na tanong ni Tita Klea, nakakunot ang noo habang nakatitig sa amin. "Akala namin ay si Vanessa ang jowa mo?"Bago pa man ako makasagot, biglang umilaw ang emergency light sa tapat ng pintuan ng ICU at umalingawngaw ang malakas na alarma.BEEP! BEEP! BEEP! BEEP!"Si Tita!" sigaw ni Charlotte.
CHRISTOPHERHindi ko rin alam kung bakit ko nasabi iyon. Hindi ko maipaliwanag kung paano basta na lang lumabas ang mga salitang “Mahal kita, Paula” mula sa aking mga labi sa gitna ng katahimikan matapos ang matinding bagyo ng amo’t init sa pagitan naming dalawa. Wala iyon sa plano. Wala sa mga senaryong inisip ko bago kami pumunta sa kwartong ito. Pero noong mga sandaling nakatitig ako sa kanyang mga mata, habang nakasandal ang kanyang ulo sa aking dibdib at nararamdaman ko ang marahang pagtibok ng kanyang puso, narerealize ko na iyon talaga ang totoong nararamdaman ko.Iyon ang katotohanang matagal ko nang itinatanggi kahit sa sarili ko.Madami na akong naging babae. Sa napakahabang panahon, itinuring ko ang pakikipagrelasyon at ang pakikipagtalik bilang isang malaking laro lamang—isang paraan para makatakas sa mga problema, para magpalipas ng oras, o para lang patunayan sa sarili ko na kaya kong makuha ang kahit kanino. Kasama riyan si Vanessa. Naging kasama ko siya sa mga kabaliwan







