"Akala ko ay nakipag deal ka kay Jameson. Anong nangyari?" Dinig kong tanong niya.Napasimangot ako. "Hindi pa nga nagpapakita ang gagong 'yon sa 'kin," ani ko at mabilis siyang nilingon nang may maalala ako."May alam ka bang puwedeng ikasira ng banda niya? Ikalat kaya natin," desperada kong sambit sa kaniya.Natawa lang siya saglit at umiling. "Are you sure you can do it? I doubt it. Knowing you, mas malambot pa ang puso mo sa bulak," pairap niyang sagot kaya napaismid ako."Tang ina," bulong ko at napayuko na lamang. "Pautangin mo na lang ako," agad ding sinabi ko nang maalala kong may mayaman nga pala akong best friend . . .Astrid just shrugged it off and rolled her eyes. "Kung may pera ako, hindi ka na magsasabi sa 'kin, Tatiana, dahil ibibigay ko agad sa 'yo. Alam mo namang parehas din kami ng sitwasyon ng Jameson mo. Damn that old man," pasaring niya na ang tinutukoy ay ang dad niya.. . . kung hindi lang siya tatanga-tanga at mas pinili ang maglayas kaysa sa mana niya.Bakit
Last Updated : 2025-12-19 Read more